Noven Belleza remains tight-lipped about sexual-assault case

IMAGE Screengrab from Tonight With Boy Abunda

Noven Belleza cannot comment about the sexual-assault case he is currently facing, but says he has learned a valuable lesson from it.


Sa unang pagkakataon ay nakausap ang Tawag ng Tanghalan grand champion na si Noven Belleza tungkol sa isyung kinasangkutan niya kamakailan.

Subalit ayon sa kanya, hindi na muna siya maaaring magbigay ng detalye dahil nasa korte na ang kaso.

Sa taped episode ng Tonight With Boy Abunda na inere noong September 1 ay natanong ng host na si Boy Abunda kung ano ang estado ng isyu.

Sagot ng singer, "Hanggang sa ngayon po, hindi pa rin po tapos, at ngayon nga po, bawal pa rin ako [magsalita] kasi may abogado po ang kabilang kampo."

Dahil dito ay tinanong na lang siya ni Boy kung ano ang mga aral na kanyang nakuha sa pinagdaraanang kontrobersiya.

Sabi ng singer, "Ang aral po napulot ko, hindi po basta magtitiwala. Yun po."

Subalit nagpapasalamat naman si Noven dahil hindi siya iniwan ng kanyang pamilya at fans.

"Unang-una po, sa pamilya ko, at sinasamahan ko po ng dasal sa Panginoon, at nagpapasalamat po ako sa walang-hanggang pagmamahal at suporta ng pamilya ko sa akin, sa mga taong naniniwala pa rin sa 'kin. 'Ayun po.

Nag-iwan din si Noven ng mensahe para sa mga tagahanga niyang nadismaya nang mabalita ang kontrobersiya.

Saad niya, "Ang gusto ko rin pong sabihin sa kanila, marami tayong mga problema sa buhay.

"May problema din ako, walang tao na walang problema na kinakaharap.

"Kasi pag hindi niyo po pinagdaanan yun, hindi kayo tao.

"And gusto ko lang po sabihin sa kanila, na maraming-maraming salamat pa rin sa mga naniniwala, at sa mga hindi po, maraming salamat pa rin."

Unang nakumpirma ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nangyaring pagkakaaresto kay Noven sa Cebu City, noong July 16, matapos maghain ng reklamo ang isang babaeng diumano'y ginahasa niya.

Ngunit mula sa rape complaint ay ibinaba ni Cebu City Assistant Prosecutor Ma. Theresa Casio sa sexual assault ang reklamong isinampa laban sa 22-year-old singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahapon naman ay naibalitang iniurong na ng babae ang kasong isinampa niya laban kay Noven.


Stories We Are Tracking

Complainant withdraws case against singer Noven Belleza
Complainant withdraws case against singer Noven Belleza
Noven Belleza asserts innocence in sexual assault case
Noven Belleza asserts innocence in sexual assault case
Alleged details in rape complaint vs Noven Belleza come out
Alleged details in rape complaint vs Noven Belleza come out
"Tawag ng Tanghalan" champ Noven Belleza faces rape complaint


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN