Is it over between Kiray Celis and Kirst Viray?

IMAGE Instagram photo of Kirst Viray

"Don't cry because it's over. Smile because it happened," posted Kiray Celis on her Instagram account.


Kahit na walang pormal na pag-amin, pinag-usapan ang tambalang Kiray Celis at Kirst Viray.

Unang pumutok ang "Kiray-Viray" tandem noong mag-viral ang mga pinost ni Kiray na photos nila ng model-actor na galing sa kanyang Instagram account noong nakaraang Valentine’s Day.

Nagkasama pa sina Kiray at Kirst sa pelikulang ginawa nila para kay Brillante Mendoza noong nakaraang April. Simula noon ay naging inseparable na ang dalawa at naging topic na sila ng netizens dahil sa kanilang unlikely tandem.

Nagkaroon pa sila ng isang pre-nup fashion shoot at inakala ng marami na engaged na ang dalawa.

Nakatanggap naman ng pamba-bash si Kiray mula sa maraming netizens dahil sa pagkaka-link nito kay Kirst. Pero pinagpasawalang-pansin na lang ni Kiray ang bashers at Internet trolls na kumukuwestiyon sa tunay na estado ng realsyon nila ni Kirst.

Ngayon ay mukhang “on the rocks” na raw ang relasyon ng dalawa dahil in-unfollow ni Kiray si Kirst sa Instagram, sabay post ng mga photos na may mga hugot captions:

“’Wag malinlang sa mga kuha. Akala mo masaya, malungkot pala. Akala niyo payat, mataba pala. Gaya nitong larawan nato. Akala niyo may dede, sa personal wala naman pala! BUWAHAHAHAHAHAHA! ???????? btw, salamat sa @giftstudioph sa stuffed toy ko. Ano kayang pwede kong i-pangalan sakanya? ????”

 

“Don't cry because it's over. Smile because it happened." Thank you, @giftstudioph sa unicorn slippers ko. ????”

 

"Don't cry because it's over. Smile because it happened." Thank you, @giftstudioph sa unicorn slippers ko. ????

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on

Pero hindi pa rin dini-delete ni Kiray ang mga photos na magkasama sila ni Kirst.

Nagkaroon din sila ni Kirst ng sarili nilang YouTube channel na “Kiray and Viray.”

Ngayon daw ay pangalan na lang ni Kiray ang nakalagay sa YouTube Channel nila.

Wala pang anumang updates si Kirst sa kanyang social media accounts kung totoo bang hiwalay na sila ni Kiray.

Dating child actress ang 22-year-old na si Kiray Celis o Johanna Ismael Celis sa totoong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nadiskubre siya sa contest ng MTB: Magandang Tanghali Bayan na “Munting Miss U” noong 1999 sa edad na 4. Ginawa siyang mainstay ng naturang noontime show at sinali siya sa kiddie gag show ng ABS-CBN 2 na Goin Bulilit noong 2005.

Lumabas si Kiray sa ilang shows ng Dos, katulad ng Kampanerang Kuba, Kokey @ Ako, Komiks, Maalala Mo Kaya, Mara Clara, Precious Hearts Romance, 100 Days To Heaven, Toda Max, Growing Up, Wansapanataym, Luv U, Ipaglaban Mo at Ang Probinsyano.

Ni-launch bilang isang bidang komedyante sa big screen si Kiray sa mga pelikulang Love Is Blind at I Love You To Death na parehong pinalabas noong 2016.

Si Kirst naman ay isang ramp, print and TV commercial model na taga-Pangasinan.

Bukod sa modeling, isa ring registered nurse at soon-to-be culinary chef ang 26-year-old na binata.

Kasalukuyang napapanood siya sa GMA-7 telefantasya na Mulawin Vs. Ravena.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN