Roxanne Barcelo admits feeling insulted when girls get flirty with boyfriend Will Devaughn in her presence

IMAGE Noel Orsal

Roxanne Barcelo admits feeling insulted when girls try to get flirty with her boyfriend, Will Devaughn: "Walang issue sa akin kung bebeso lang sa cheek yung girl kay Will, kasi magkakilala naman sila. Pero iba na yung kahit na nandiyan ka lang sa tabi ng boyfriend mo ay nilalandi mo. Nababastos na ako kapag gano'n."


Naging honest lang ang aktres na si Roxanne Barcelo na ang nagiging sanhi ng ilang pagtatalo nila ng kanyang boyfriend of four years na si Will Devaughn ay ang mga nakaraang babae sa buhay nito.

Wala naman daw problema kay Roxanne kapag may mga girls na bigla na lang lalapit para kausapin si Will.

Pero iba na raw kasi yung harap-harapan ay nakikipag-flirt na ito kahit na nandoon siya.

Lahad ni Roxanne, “Kilala niyo naman ako, di ba?

“As much as possible, ayoko ng confrontations.

“Very cordial pa nga ako sa mga lumalapit na babae kay Will.

“Walang issue sa akin kung bebeso lang sa cheek yung girl kay Will, kasi magkakilala naman sila.

“Pero iba na yung kahit na nandiyan ka lang sa tabi ng boyfriend mo ay nilalandi mo.

“Nababastos na ako kapag gano’n.

“Lagi ko namang sinasabi kay Will na ayokong may masabi akong hindi maganda.

“Ayokong ako ang lalabas na masama or maldita, di ba?

“Pero kapag gano’n na ang eksena, parang pambabastos na iyon,” pahayag ni Roxanne nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng pelikulang I Found My Heart in Sante Fe noong nakaraang August 24 sa Victorino’s Restaurant sa Quezon City.

IT THERE'S A WILL, THERE'S A WAY. Hindi naman daw mapipigilan ni Roxanne ang mga ganitong klaseng mga babae, kaya si Will na lang ang pinakikiusapan niya na iwasan ang mga ito para wala silang pinagtatalunan.

“May mga girls talaga na hindi mapigilan ang sarili nila.

“Kahit alam nilang ako ang girlfriend ni Will, they still make a move na makipag-flirt sa kanya.

“Kaya si Will na lang ang sinasabihan ko na iwasan niya ang mga gano’n kasi I feel insulted.

“Si Will kasi, masyadong mabait.

“Wala para sa kanya yung mga advances na ginagawa ng ibang girls sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi rin kasi siya bastos na tao para itaboy ang taong kumakausap sa kanya.

“Kaya mahirap ang mga ganyang situations sa aming dalawa.

“But in the end, he will always say sorry at alam ko naman daw kung sino ang one and only niya.

“Kaya parang, ‘Awwww… kinikilig ako!’” sabay tawa pa ni Roxanne.

SOLID RELATIONSHIP. Maganda ang naging foundation ng relasyon nila Roxanne at Will dahil nagsimula sila bilang magkaibigan muna.

Kaya bago sila nagkaroon ng seryosong relasyon, kilala na ni Roxanne si Will inside and out.

Saad niya, “Lahat kasi ng best and worst niya, nakita ko na.

“As in, lahat ng baho, lahat ng mga nagawa niyang mali sa buhay, alam ko.

“Nakalatag na silang lahat.

“Kaya mas maganda talaga na kilala mo muna nang husto ang taong papapasukin mo sa buhay mo.

“Sa aming dalawa ni Will, tanggalin mo na lahat at maiiwan ay yung pagkakaibigan naming dalawa.”

ALMOST GAVE UP ON LOVE. Inamin din ni Roxanne na bago dumating si Will sa buhay niya, nag-give up na raw ito sa love.

Pagbabalik-tanaw niya, “Yung last relationship ko before si Will, umabot din kami ng four years.

“Pero alam mo yung kahit matagal kayo, parang nauwi rin sa wala.

“Kasi ako, I value yung honesty ng isang tao.

“Kapag hindi ka honest sa akin, bale wala ang lahat ng pinagsamahan natin.

“Kaya I already gave up on falling in love, hanggang sa dumating si Will.

“Siya yung nagbigay sa akin ulit ng pag-asa na puwede pa pala—I can still find a man na magiging tapat sa akin at mamahalin ako ng totoo.”

MOVIE. First venture nila Roxanne and Will ang maki-co-produce ng movie with BluArt Productions para sa project na I Found My Heart in Santa Fe na dinirek ni Bona Fajardo.

Ayon sa aktres, gusto niyang gumawa ng isang feel-good movie na may light romance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagmamalaki niya, “Maraming mai-in love sa movie na ito, kasi it’s about finding love in the most unexpected place.

“Noong mabasa ko yung story, nagustuhan ko agad and the location is so beautiful.

“Noong nakaraang Holy Week kami nag-shoot sa Santa Fe which is part of the Bantayan Islands in Cebu.

“Napaka-fresh ng lugar at super virgin pa ang beach.

“Iilang tao pa lang ang nakakaalam ng location na iyon.

“But after watching our movie, tiyak na people will Google kunsaan ang Santa Fe and experience the place at baka ma-fall in love din sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN