Thea Tolentino works hard to finally buy her own house in Quezon City

IMAGE Noel Orsal

Thea Tolentino works hard to finally achieve her longtime dream of buying her own house in Quezon City for her Laguna-based family: "Ilang beses lang ako nakakauwi ng Laguna kapag wala akong mga tapings. Minsan ay buwan pa ako makauwi talaga dahil sa sunud-sunod na trabaho. Iba pa rin yung magkakasama kayo everyday ng family mo, di ba? Kaya nag-iipon ako para makabili ako ng house, para may matirhan na kami ng buong family dito sa Quezon City."


Simple lang ang naging birthday celebration ng Kapuso kontrabida na si Thea Tolentino noong nakaraang August 13.

Nag-dinner lang daw sila ng kanyang buong pamilya at nagkaroon ng maliit na handaan sa kanilang bahay para sa ilang kamag-anak at kaibigan.

Pero noong nakaraang August 30 ay binigyan siya ng isang belated birthday celebration ng businessman at kilalang Lord of Scents na si Joel Cruz sa kanyang Chateau de Milagros.

Business mentor ng 21-year old actress si Joel Cruz para sa sisimulan niyang negosyo.

BIRTHDAY WISH. Isa sa mga birthday wishes ni Thea ay ang makabili na siya ng bahay para magkakasama na sila ng kanyang pamilyang tumira sa Quezon City.

Sa Calamba, Laguna, pa nakatira ang pamilya ni Thea at umuuwi siya roon kapag hindi siya masyadong busy sa trabaho.

Lahad niya, “Ilang beses lang ako nakakauwi ng Laguna kapag wala akong mga tapings.

“Minsan ay buwan pa ako makauwi talaga dahil sa sunud-sunod na trabaho.

“Iba pa rin yung magkakasama kayo every day ng family mo, di ba?

“Kaya nag-iipon ako para makabili ako ng house, para may matirhan na kami ng buong family dito sa Quezon City.” 

Kaya naman pinaghuhusay ni Thea ang kanyang pagganap bilang kontrabida sa afternoon teleserye ng GMA-7 na Haplos.

“BLOODY” CONFRONTATION SCENE. Inaabangan parati ang confrontation scenes nila ni Sanya Lopez, at minsan nga raw ay umabot sa puntong nagkasakitan sila dahil sa tindi ng eksena.

Hindi raw kasi nagpapa-double ang dalawa kapag may matinding mga eksena, kaya hindi raw maiwasan ang magkasakitan sila.

“Pero friends po kami ni Sanya.

“Wala po kaming problema sa isa’t isa kahit na minsan hindi naman sinasadyang nagkakasakitan kami.

“Kagaya po last time, may sampalan kami tapos sabunutan.

“Yung kamay ko tumama po yata sa ngipin niya, ‘tapos akala ko nagdugo yung ngipin niya kasi may dugo yung kamay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun pala kamay ko yung may dugo kasi tumama sa earrings niya.

“Mga ganung incidents lang na hindi ninyo parehong maiwasan kasi in character kayong pareho.

“Pero okey po kami talaga ni Sanya.

“Friends kami after ng mga sampalan at sabunutan!” sabay tawa niya.

REUNION WITH BARBIE. Bukod sa teleseryeng Haplos, may ginagawa ring pelikula si Thea na This Time I’ll Be Sweeter.

Dito ay kontrabida naman siya sa loveteam nila Barbie Forteza at Ken Chan.

Magiging reunion nila ito ni Barbie, na nakasama niya nang halos dalawang taon sa afternoon teleserye na The Half Sisters, noong 2014 hanggang 2016.

“Nakakatuwa naman po na nagkasama ulit kami ni Barbie after ng The Half Sisters.

“Na-miss ko si Barbie na katrabaho.

"Very supportive kasi siya at alam mong walang magiging problema kapag kaesksena mo siya.

“Tsaka si Barbie ang unang napagpraktisan ko ng mga sampal at sabunot noong nagkasama kami sa teleserye.

“Ngayon, mauulit iyon sa movie nila ni Ken!” tawa pa niya ulit.

DILIGENT STUDENT. At kahit sobrang busy, nagagawa pa rin ni Thea na pumasok sa school para maka-attend ng classes niya sa Trinity University, kunsaan kumukuha siya ng kursong Business Management.

“Kahit maraming puyat sa trabaho, I still make it a point na maka-attend ng classes ko po.

“Gusto ko pong maging inspirasyon sa maraming kabataan ngayon na kahit artista ako at kumikita na, iba pa rin yung pinagpapatuloy mo ang pag-aaral mo para makakuha ka ng diploma,” pagmamalaki ni Thea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN