Ella Cruz warns about dangers of overnight cellphone charging

IMAGE Noel Orsal

Ella Cruz admits that her family has been more cautious since their garage caught fire back in March 2015 due to a cellphone charger that overheated: "Yung mga tauhan po namin, naka-plug na magdamag yung charger ng cellphone nila. Summer po noon. Yung buong garahe namin nasunog. Mula noon, wala nang nag-o-overnight charging ng cellphone sa pamilya namin."


Naging maingat na si Ella Cruz at ang pamilya nito mula nang masunog ang bahagi ng bahay nila sa Bulacan noong March 2015.

Nasunog ang garahe ng tahanan nina Ella dahil sa nag-overheat na cellphone charger na naiwan na naka-plug ng houseboy nila.

“Yung mga tauhan po namin, naka-plug na magdamag yung charger ng cellphone nila.

"Summer po noon. Yung buong garahe namin nasunog.

“Mula noon, wala nang nag-o-overnight charging ng cellphone sa pamilya namin.

"Wala na ring natutulog sa garahe dahil tinanggal na namin yung kuwarto doon.

“Sinunog na nga yung bahay namin, nagsulat pa sa pader ng bahay namin yung houseboy, isinulat niya ang pangalan ng girlfriend niya.

"Pinaalis na namin siya," sabi ni Ella na ikinuwento rin ang biglang pagdating sa bahay nila sa Bulacan ng isang fan na stalker niya.

“May isang fan na biglang dumating sa bahay namin sa Bulacan na hinihintay lang ako na lumabas.

"Siyempre, creepy po ‘yon.”

CLEARS EARLIER STATEMENT ABOUT JULIAN. Nilinaw naman ni Ella na “hugot“ lang ang sinabi niya sa kanyang 21st birthday party na parati siyang sinasaktan ni Julian Trono at nasanay na siya na madalas na wala ang leading man niya sa bagong pelikula nilang Fangirl/Fanboy ng Viva Films.

“Hugot lang po ‘yon kasi lagi kaming nag-uusap, ang lakas niya na mang-asar. Ganun siya.

“Hindi naman po sa laging wala siya. Hindi lang siya pala-punta sa events, parties.

"So ako, nasanay na ako na hindi siya pupunta sa birthday party ko.

“Kasi noong umagang ‘yon, binubuwisit na niya ako.

"Sabi niya, 'Sorry, hindi ako makakapunta, enjoy ka na lang,' ganyan, ganyan.

"Nasa Tagaytay ako, tapos biglang nasa Music Hall siya," paliwanag ni Ella.

Base sa mga pahayag niya, masasabing may nararamdaman siya para kay Julian pero ang mga career muna ang priority nila  dahil sa magagandang oportunidad na dumarating ngayon sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN