Alden Richards gets shrieks and calls at the Vicki Belo-Hayden Kho wedding in France

IMAGE Instagram

Alden Richards gets a scene-stealing moment at the Vicki Belo-Hayden Kho wedding in Paris, France, when fans tried to get his attention.


Maging sa ibang panig ng mundo ay ramdam ang pagsuporta ng fans ni Alden Richards sa kanya.

Ganito ang eksena nang ganapin ang star-studded wedding nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho sa Paris, France, noong September 2 (Paris time), na dinaluhan ni Alden.

Sa mga video na ipinost sa social media, mapapanood ang pagsigaw ng Filipino fans sa pangalan ni Alden nang dumating ito sa pinagdausan ng kasal, ang American Church sa Paris, at habang papasok sa simbahan.

Sa Instagram account ng entertainment writer na si Salve Asis, na nakadalo sa kasal, ipinost nito na “dinagsa ng fans sa church” ang Kapuso actor.

Sa ipinost na screenshot ng isang AlDub fan ng pakikipagpalitan ni Alden ng mensahe sa isa pang fan na nasa venue, ikinuwento ng AlDub fan na pinakamalakas ang tili ng OFWs sa pagdating ni Alden.

Sinabi pa ng fan na nasa Paris, tanging si Alden daw ang artistang nakipagkamay at kumaway sa mga tao sa labas ng simbahan.

©@oraamed : ADN represent in Paris ????♥? #AldenRichards #MaiChard #AlDub #MaineMendoza

A post shared by Jammie Anne (@jammie888) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN