Vice Ganda asks James Reid and Nadine Lustre, "Nag-aaway ba kayo?"

IMAGE Noel Orsal

James Reid (right photo, right), when asked by Vice Ganda (left photo) what he and girlfriend Nadine Lustre (right photo, left) last fought about: "Usually, it's just petty, so it lasts one day only."


Inusisa ni Vice Ganda sina Nadine Lustre at James Reid sa kanilang relasyon sa It's Showtime noong September 2, Sabado.

Sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng ABS-CBN noontime show kahapon, tinanong ni Vice ang dalawa kung pareho silang seloso.

“I dont think so,” pagtanggi ni James.

Idinagdag pa ni James na hindi selosa si Nadine, “But for the record hindi siya jealous type.”

Kabilang sina Vice, James, at Nadine sa mga hosts ng It's Showtime.

Inamin ng sikat na love team, na kilala rin bilang JADINE, ang kanilang relasyon noong February 2016.

Usisa pa ni Vice sa dalawa, “Ano'ng pinag-aawayan n'yo lang dalawa? Nag-aaway ba kayo?"

Sagot ni Nadine, nagkakaroon sila ng away ni James, gaya ng sa ibang relasyon.

“Kasi lahat naman ng nasa relationship may pinag-aawayan pa rin naman. Pero hindi naman mababaw ang pinag-aawayan namin,” paliwanag ng aktres.

Tinanong ni Vice si James kung kelan sila huling nag-away ni Nadine.

“I can't remember,” mabilis na tugon ng aktor.

Sa tanong kung ano ang dahilan ng huli nilang pag-aaway, sagot ni James, “Usually, it's just petty, so it lasts one day only.”

Kinulit pa ng Unkabogable Star si James kung ayaw nitong naghihintay, at ginawang halimbawa ang insidente noong 2015 sa premiere night ng Wang Fam, kung saan nakunan ng video ang magkasintahan na tila nagtatalo.

Late dumating sa event na iyon si Nadine kaya tinanong ni Vice si James kung ikinagalit nito ang pagiging late ng girlfriend.

“It wasn't that. I just thought we were holding up everyone,” sagot niya.

Ayos lang daw ba sa kanya ang maghintay?

“I dont mind. I'm patient," matipid na sagot ni James. "For Nadine it doesn't matter [if I wait].” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN