Non-celebrity witness awed by Vicki Belo-Hayden Kho wedding

IMAGE Belo Beauty Instagram / Lhuben Dalawampu

An OFW in Paris, who worked behind the scenes during the Belo-Kho wedding, shares more exciting details about the grand event.


Isang Pinoy na nakatira sa Paris, France, ang nagpadala ng kanyang obserbasyon sa naganap na pag-iisang dibdib nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr.

Ikinasal sina Vicki at Hayden sa The American Church noong September 2 (Paris time).

Bago ito ay naghanda sila ng isang intimate dinner para sa kanilang mga bisita sa Bateau Pavillon Seine noong September 1 (Paris time).

Isang kababayan natin na nagbantay sa welcome dinner cruise at mismong kasal ang nagbigay ng ilang impormasyon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Siya ay si Lhuben Dalawampu, 18 taon nang naninirahan sa Paris at nagtatrabaho bilang empleyado ng Hermès.

Sa tagal niya sa Paris, ngayon lamang daw siya nakakita ng ganun kaengrandeng kasalan.

Kuwento ni Lhuben, “Super-nakakabilib ang wedding nina Dra. Belo at Hayden.

“Ang daming showbiz personalities na invited nila, kaya punung-puno ng mga kababayan natin ang harap ng simbahan.

“Super-bilib din ako sa reception nila sa Opera House.

“Lahat talaga napabilib sa wedding nila."


Sabi pa niya, “Grabe, ang yaman ni Belo!

“Dun pa lang sa Bateaux Mouches, exclusive na sa kanila. Mapapa-wow ka.

“Grabe ang wedding nila.

“Ang tindi ng yaman ni Belo!

“Day one pa lang ng celebration nila, nakakabilib na ang mga nakita ko na kaganapan.

“Si Belo lang yata ang nakagawa nun.

“Hindi ko na-experience yun dito sa mga French, kahit sobrang yayaman nila."

Personal na nakausap ng PEP.ph si Lhuben, sa pamamagitan ng telepono, ngayong Linggo ng hapon, September 3 (Philippine time).

CELEBRITY GUESTS. Ikinatuwa rin ni Lhuben ang pagiging approachable ng celebrity guests, maging nina Vicki at Hayden.

Aniya, "Ang dami rin nila napasaya na mga kababayan natin dahil mababait sila nang lapitan namin.

"Parang normal lang sila na kagaya ko.

“Nakikipagkuwentuhan sila sa amin, lalo na sina Hayden at Jinkee Pacquiao.

“Sobrang bait nila sa mga Pinoy na nag-abang sa labas ng simbahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang saya ng fans, kahit halos mapuno ng mga tao ang labas ng church."


Patuloy niya, “Mabait at palabati ang mga artista.

“Si Pops Fernandez, agaw-pansin.

“Hindi nagbabago ang ganda.

"Pinayungan ko si Manay Lolit Solis kasi ang lakas ng ulan noong gabi ng welcome dinner sa River Seine."

Mga ilang ba ang nagpunta sa kasalan?

Tugon ni Lhuben, “Siguro ang mga nagpunta na Pinoy sa The American Church in Paris, halos nasa five hundred hanggang six hundred.

“Marami rin kasi ang umalis nang makarating na ang mga artista.

“Yung ibang Pinoy naman, dumating pagkatapos ng wedding, noong palabas na ang mga ikinasal at bisita mula sa simbahan.

“Marami rin ang nag-abang sa wedding reception sa Palaise Garnier.”

Sabi pa niya, “Tatlo lang kaming Pinoy na nag-abang sa mga bisita sa Bateaux Mouches.

“Wala masyadong nakaalam ng party ni Belo.

Ayon pa kay Lhuben, tila Metro Manila Film Festival daw ang naturang kasalan sa dami ng mga artista at personalidad na nagsidalo.


Stories We Are Tracking

Guess who came to dinner as Vicki and Hayden's guests?
Guess who came to dinner as Vicki and Hayden's guests?
Vicki Belo is gorgeous in her pink bridal gown
Vicki Belo is gorgeous in her pink bridal gown
Vicki, Hayden's wedding reception held in famous opera house
Vicki, Hayden's wedding reception held in famous opera house
IN PHOTOS: Dra. Vicki Belo and Hayden Kho's Paris wedding
IN PHOTOS: Dra. Vicki Belo and Hayden Kho's Paris wedding


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN