Sportscaster Laura Lehmann is Miss World Philippines 2017; Winwyn Marquez bags a title

IMAGE Instagram (@real_missosologyph / Bong Tan

Courtside reporter and Binibining Pilipinas runner-up Laura Lehmann (left) is crowned Miss World Philippines 2017. Winwyn Marquez (right) bags one of the three new titles. She is Reina Hispano Americana Filipinas and will compete in an international beauty contest.


Si Laura Lehmann ng Makati City ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa international Miss World Pageant matapos siyang koronahan na Miss World Philippines 2017 nitong Linggo ng gabi, September 3.

Minana ni Laura ang korona mula kay Miss World Philippines 2016 Catriona Gray sa grand coronation night ng pageant na ginanap sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Nagsilbing main hosts ng event sina Iya Villania, KC Montero, at Carla Abellana.

Si Laura ang courtside reporter ng Ateneo de Manila University sa UAAP Season 77 sa ABS-CBN Sports + Action noong 2015.

First runner-up din siya sa Binibining Pilipinas noong 2014.

Kumukuha ng kursong AB Psychology ang bagong Miss World Philippines sa Ateneo habang pinagsasabay ang kanyang hosting duties. 

Kabilang sa mga premyong inuwi niya bilang Miss World Philippines ay P500,000 cash mula sa Miss World Philippines, P1,000,000 worth of contracts from ALV Talent Circuit, at P1,500,000 movie contract from Regal Films.

Itinanghal naman bilang Reina Hispano America Filipinas si Winwyn Marquez.

Miss Eco Philippines si Cynthia Thomalla.

At Miss Multinational Philippines si Sophia Senoron.

Ang nasabing tatlong bagong titles ay sasali sa international beauty competitions.

Itinanghal na 1st Princess si Glyssa Perez at 2nd Princess si Zara Carbonell.

Pumasok naman a Top 15 ng competition sina Ella Eiveren Lubag (#27); Gabriela Ortega (#11); Cristina Marie Coloma (#14); Hazel Nicole Kajandig (#12); Chelsea Ann Manalo (#22); Shiela Marie Reyes (#28); Noelle Uy Tuazon (#33); Jona Sweett (#06), atJanela Joy Cuaton (#26).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN