Maymay Entrata on bashers: "Only God can judge me... Kaya wala akong pakialam sa kanila."

IMAGE Mark Atienza

Maymay Entrata is focused on positivity, rather than be downed by negative comments about her rise in showbiz: "Masaya lang po ako na may napapasaya akong tao. Masaya lang po ako na may sumusuporta. Gusto ko lang magpasalamat sa kanila nang bongga."


Natutunan na raw ni Maymay Entrata na huwag pansinin ang mga negatibong komento ng mga tao tungkol sa kanya.

Ilang buwan pa lamang mula nang tanghalin siya bilang Lucky winner ng Pinoy Big Brother (PBB) Season 7.

Nabigyan na rin sila ng ka-love team niya sa PBB na si Edward Barber ng pelikula, ang Loving in Tandem ng Star Cinema.

Bukod dito, nagkaroon na rin siya ng self-titled album at kabilang din siya sa primetime series na La Luna Sangre.

Bagay na ikinataas ng kilay ng ilang mga tao. Pero kibit-balikat naman si Maymay tungkol dito.

“Ang masasabi ko lang talaga, hangga't nakakapit ako sa Diyos, only God can judge me po. Kaya wala kong pakialam sa kanila,” sabi niya tungkol sa bashers.

Kaugnay nito, nagpapasalamat si Maymay sa kanyang mga tagahanga na walang sawang ipinagtatanggol siya laban sa bashers.

Sabi niya, “Siguro para sa akin po, masaya lang po ako na may napapasaya akong tao.

“Masarap pala yung feeling ng kasiyahang naidulot po nun ay galing sa akin.

“Masaya lang po ako na may sumusuporta.

“Kung nagdedepensa sila sa mga bashing po, gusto ko lang magpasalamat sa kanila nang bongga dahil habang tumatagal ako dito sa industriya, mas lalo silang napamahal sa puso ko.

“At mas lalo kong binibigay ang best ko para maibalik ang blessings na binibigay nila sa akin.”

Sa kabila ng sunud-sunod na pagdating mga proyekto, hindi pa naman daw niya nararamdaman na sikat na sikat na siya.

“Hindi po, kilala lang, parang ganun,” natatawang sabi ni Maymay sa press conference ng Loving in Tandem kahapon, September 3.

Dagdag pa niya, “Siguro po dahil naniniwala po ako na walang imposible, kaya go lang ako nang go.

"At sa tulong na rin po ng mga inspirasyon ko sa buhay kaya nangyayari ito sa buhay ko."

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

DEEPER FRIENDSHIP WITH EDWARD. Kumusta naman sila ni Edward?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Maymay, “Mas nakilala ko si Edward po.

"Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay nag-o-open up na kami sa isa't isa.”

Isa raw sa mga nagustuhan niya sa kapareha ay ang walang sawang pagtulong nito sa kanya.

“Hindi nawawala sa kanya ang pagka-caring niya po at saka pagka-supportive niya po sa aming dalawa.

“Nagustuhan ko rin po sa kanya, kasi pareho po kaming nahihirapan kasi baguhan kami.

"Talagang parati naming nire-remind sa sarili namin, yung sinasabi nga ni Direk [Giselle Andres] na, hindi porke't baguhan kami, e, hindi na namin puwedeng ibigay yung best namin.

“Hangga't nandiyan ang opportunity, ibibigay lang namin ang best namin.

"Parating niya sa aking nire-remind yun at saka ako rin sa kanya."

Higit sa lahat, nakangiting sabi ni Maymay, “Nagustuhan ko rin sa kanya, sinasabayan pa rin niya ang kabaliwan ko.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN