Xian Lim bags third Best Supporting Actor award for Everything About Her

IMAGE Allan Sancon

Xian Lim on winning Best Supporting Actor at the 33rd Star Awards for Movies: "Nandiyan naman lagi yung pressure at dapat laging nandiyan 'yan para gumawa tayo, maging creative tayo. It serves as an inspiration."


Si Xian Lim ang itinanghal na Best Supporting Actor sa 33rd Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC), na ginanap sa Resorts World Manila, Linggo ng gabi, September 3.

Nanalo si Xian para sa pagganap niya sa pelikulang Everything About Her.

Kabilang sa mga tinalo ng Kapamilya actor sa kategoryang ito sina Christian Bables (Die Beautiful), Paolo Ballesteros (Bakit Lahat Ng Guwapo May Boyfriend?), John Lloyd Cruz (Ang Babaeng Humayo), Ricky Davao (Dukot), Christopher De Leon (The Escort), Bembol Roco (Ringgo, The Dog Shooter), at Joel Torre (Tisay).

Ito ang ikatlong award ni Xian para sa pagganap niya sa Everything About Her. Nanalo rin siya sa 1st GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) Awards at 15th Gawad Tanglaw.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Xian pagkatapos ng 33rd Star Awards for Movies, sinabi nitong hindi niya inaasahang mananalo siya ng mga parangal para sa Everything About Her.

Saad niya, “Thank you, maraming salamat, it’s such an honor, PMPC, grabe!

“Sobrang saya... hindi ko alam, I don’t have any words.

“Nung nasa stage ako, kinakabahan ako nang sobra. I’m just lost for words.”

Dagdag pa ni Xian, “This is such an honor.

“Sabi ko nga kanina, it was very unexpected for me when I started Everything About Her, now nandito na ako, I received an award.

“So, maraming-maraming salamat.”

Inamin ni Xian na ang pagtanggap niya ng acting award ay may kaakibat na pressure.

Aniya, “Nandiyan naman lagi yung pressure at dapat laging nandiyan ‘yan para gumawa tayo, maging creative tayo.

“It serves as an inspiration.”

Samantala, ang next project ni Xian ay isang pelikula, mula sa Star Cinema, na pagtatambalan nila ni Coleen Garcia.

“Malapit na kaming matapos, abangan ninyo na lang… this year, sabi nila.

“We’re very excited, it’s a different kind of love story,” banggit ng Kapamilya actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN