What's holding Julian Trono back from courting Ella Cruz?

IMAGE Glenn Regondola

Julian Trono does not hide his feeling for Ella Cruz, but he is biding his time. "We're saving our friendship... More than any labels or anything, it's the friendship that we have. Matagal na po, so yun ang iniingatan ko," he says.


Hanggang ngayon ay hindi pa maligawan ni Julian Trono ang kanyang ka-love team na si Ella Cruz.

Ito ay sa kabila ng halata naman sa mga tingin nito at paglalambing na tila may nararamdaman siya para sa kapareho.

Ano ba ang nagpipigil kay Julian?

Pahayag ng Viva actor, "May hold-back kasi... we're saving our friendship.

"Hindi naman siguro ako nagkulang to say my appreciation, to say what I feel even without the label.

"At saka siguro, mas contained ako ngayon.

"Ang dami na kasing... someone has to balance, e.

"There are days na mas passionate ako, there are days na mas passionate siya."

Kapansin-pansin nga ang pagiging sobrang “touchy” ni Julian kay Ella.

Mabilis naman niyang paglilinaw, "Sa lahat naman po, touchy ako, ganun po talaga ako."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julian sa presscon para sa pelikulang FanGirl FanBoy, sa Viva Studios, noong Huwebes, August 31.

PAASA? Nilinaw rin ni Julian na hindi siya nagpapaasa sa may mga nagkakagusto sa kanya.

Sabi niya,"Hindi naman po, it's a choice, yung sa amin ni Ella, it will go on.

"More than any labels or anything, it's the friendship that we have.

"Matagal na po, so yun ang iniingatan ko.

“If you want to end up with someone, it's best with your best friend, and not with someone na just friends."

Aminado naman ang young actor na may silang strong feelings sila ni Ella sa isa't isa, hindi pa nga lang daw official.

Okey lang ba kay Julian kung halimbawa ang babae na ang manligaw sa kanya?

Tugon ng dancer-actor, “Parang hindi naman okey yun.

"Iba kasi at saka yun ang nakasanayan natin na ang lalaki ang nanliligaw."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN