Marco Gallo vows to be a defender of Kisses Delavin: "Ako ang lalaban para sa kanya."

IMAGE Mark Atienza

Marco Gallo says he's a true friend whom Kisses Delavin can trust: "I think, I'm the better person that can defend her from everyone that says something about her. Ako ang lalaban para sa kanya."


Ginagawa raw ni Marco Gallo ang lahat ng paraan para makuha ang tiwala ng mga magulang ng on-screen partner niyang si Kisses Delavin.

Nasa loob pa lang sila sa Pinoy Big Brother (PBB) house nang nagkaroon ng isyu sina Marco at Kisses, at isa pa nilang housemate na si Vivoree Esclito.

Noon pa man ay may lihim nang pagtingin si Kisses kay Marco nang maging close sila.

Ngunit kinalaunan, inamin sa kanya ni Marco na naging espesyal na sa kanya si Vivoree, na umamin ding crush niya ang tinaguriang “Pilyo Bello ng Italy.”

Kaya naman sa ginanap na press conference ng pelikulang Loving In Tandem kahapon, September 3, biniro si Kisses na dapat ay pahirapan niya si Marco dahil sa mga pangyayari sa PBB.

Sagot naman ni Kisses, “Yung mga nangyari sa PBB house, it has long been in the past.

“Now, I'm much happier, kasi I let go of it already. And now, we're off to a new friendship na po.”

Sabi naman ni Marco, "Gusto ko lang sabihin na to all the months we've been together, I worked hard to earn the trust ng mga magulang niya."

Saksi raw niya ang ka-batch nila noon sa PBB at co-stars sa Loving In Tandem na sina Edward Barber at Maymay Entrata sa kanyang pagbabgo.

Ayon kay Marco, “Sobra akong nagpakumbaba, I give everything.

"Lahat ng kakayanan ko binigay ko para makuha ko ang tiwala ng magulang ni Kisses.

"I want to show them, to everyone, especially to Kisses, that for now I can be a true friend that she can trust.

“Maybe, in the future, someone special for her.”

Diin pa ng binata, “I think, I'm the better person that can defend her from everyone that says something about her. Ako ang lalaban para sa kanya.

“Gusto ko pong sabihin na sa ngayon po, walang malisya po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko pa rin na dine-defend ko siya kasi mahal ko siya as kaibigan ko po.”

WON'T HURT KISSES. Samantala, ibinahagi ni Marco ang nakaraang karanasan niya sa pag-ibig upang patunayang wala siyang intensiyong saktan o i-take advantage ang pag-amin ni Kisses sa nararamdaman nito para sa kanya.

Kuwento niya, “Dati, I had an ex-girlfriend.

"Everyone of my friends knows, Kisses knows. I had an ex-girlfriend in Milan.

“I felt the first crush, first kilig, first love, first everything sa kanya. We lasted for three months.

“After nun, ipinagpalit ako sa isang babae.

“So, after that, for four months or five months, ang hirap para sa akin ang maka-move on.

“I promised to myself, sinabi ko sa sarili ko na kahit isang babae na sabihing may gusto siya sa akin, dapat never niyang maramdaman yung sakit na naramdaman ko dati.”

Kaya naman paniniguro ni Marco kay Kisses, “I think that she doesn't have to worry about kung sabihin niya sa akin na may gusto siya.

“Kasi, I will be privileged na alam kong may gusto siya sa akin.

"It's not pogi points, it's an honor po.

“Parang, 'Grabe, talaga ba?' Sino ba ako para magustuhan niya ako?”

Ibig sabihin ba nito ay may balak din siyang ligawan ang kanyang ka-love team ngayon?

Sagot ni Marco, “Who knows? I think someday...

"If we will continue like this every day, I think... Sino ba ang hindi mapu-fall?"

Sa hiwalay na panayam, nilinaw ni Marco na hindi pang-showbiz lang ang mga sagot niya dahil may pinu-promote silang pelikula.

“Totally no,” sabi niya.

“Nandito ako sa showbiz, totoo o wala.

“Katulad ng sinabi niya [Kisses] kanina, 'Ano pang ginagawa mo rito kung peke ka?'

“Ano pa ang pinagtitigilan mo? I mean, be true, kasi isa lang ang buhay, YOLO, you only live once.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don't want to hide anymore kasi, sa 'yo lang, sa loob mo lang, itinatago mo lang sa sarili mo.

“So, I want to be true. I want to try my best kasi it's one shot, give your best shot.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN