Michele Gumabao reveals imprisoned dad Dennis Roldan is recovering from surgery

IMAGE Jojo Gabinete

Three of Dennis Roldan's children—Michele, Marco, and Kat Gumabao—are all under exclusive contract with Viva Artists Agency.


Pumirma ng four-year exclusive contract sa Viva Artists Agency ang magkakapatid na Kat, Michelle, at Marco Gumabao ngayong Lunes ng tanghali, September 4.

International plus-size model si Kat, popular volleyball player si Michele, at former Star Magic talent naman si Marco.

Ang tatlo ay mga anak ng aktor na si Dennis Roldan at ng dating model na si Loi Imperial.

Ang kalagayan ng kanilang ama, na kasalukuyang nakapiit sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City, ang isa sa mga napag-usapan sa contract signing ng Gumabao siblings sa Viva Artists Agency.

Nakulong si Dennis noong 2014, matapos mahatulang guilty ng Pasig City Regional Trial Court ng kasong kidnapping ng isang Filipino-Chinese na batang lalaki noong 2005.


Stories We Are Tracking

Dennis Roldan guilty of kidnapping Fil-Chi boy in 2005</p&
Dennis Roldan guilty of kidnapping Fil-Chi boy in 2005
<p>Michele, Marco stand by their father Dennis Roldan</p>

Michele, Marco stand by their father Dennis Roldan

<p>Michelle Gumabao still proud of dad Dennis Roldan</p>

Michelle Gumabao still proud of dad Dennis Roldan

Marco Gumabao still hopeful about dad Dennis Roldan's case
Marco Gumabao still hopeful about dad Dennis Roldan's case

Si Michele ang nagbalita na recuperating pa rin sa isang ospital si Dennis dahil nagkaroon ng kumplikasyon ang recent surgery nito.

Pahayag ng professional volleyball player, “Ngayon nasa ospital siya because he had a surgery in his large intestine, so medyo matagal-tagal siya na nasa ospital.

“Pinayagan siya na lumabas. Anything to do with… may hospital lang po na puwede silang dalhin at puwedeng pumunta ang inmates. Andoon po siya ngayon.

“Bihira makadalaw sa Muntinlupa kasi very strict nila.

“Minsan makikita mo lang sila for thirty minutes, medyo mahirap talaga.

"Pero dito sa ospital, madali talaga.

“Madalas ang pagdalaw namin. At least, we got to spend time with him.”

Sabi pa ni Michelle tungkol sa health condition ng ama, “Inoperahan siya three weeks ago.

“Until now, nasa ospital pa siya.

“Bumalik siya sa Muntinlupa, then two days later, siguro na-infect dahil sobrang init doon, pawis.

“So, ibinalik siya sa ospital, nagkaroon ng infection, kailangan i-drain.

“Nanghina talaga siya, sobrang nangayayat.

“He’s 60 years old, pero he’s very very fit.”

FINDING GOD. Sinabi ni Michele na ang pagkakakulong ng ama ang isa sa mga malaking pagsubok na pinagdaaanan ng kanilang pamilya, pero may epekto rin itong maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya,  “Nakilala niya talaga si God noong nasa loob na siya ng kulungan.

“Dati, hindi kami palaging nagpupunta sa church.

“May tiwala naman kami kay God, pero hindi kami talaga nagpa-practice o nagpe-pray as a family.

“Pero ever since before, close talaga kami as a family.

“Nung talagang nakilala namin si God, ni-restore niya yung relationship ng daddy ko sa family namin.

“Ang daddy ko, dati, palaging nasa labas. Nagwo-work palagi.

“Uuwi lang siya para mag-hi o kakain kami, pero lagi siyang busy.

“Dahil nakilala niya si God, naintindihan niya kung ano talaga ang dapat na role ng isang daddy, naging conscious siya.

“Lagi na siyang nanonood ng games ko. He makes time for us.”

MICHELE’S SIBLINGS. Dahil din dito ay nakilala nina Michele ang mga kapatid nila sa labas.

Saad niya, “Nawala na yung mga kapatid ko sa labas. Nakakagulat, ‘A, half-brother mo.’

“Ang laki-laki na naming magkakapatid... walo na kami.

“Sa mommy ko, lima kami.

“Yung tatlo, iba-iba [ang mga ina], pero ang mommy ko, napakabait. Martir po yun.

“Close kaming lahat na magkakapatid. Feeling ko, dahil din sa mommy ko."

Papuri ni Michele sa ina, “Ang mommy ko, never niya na dinamdam.

"Kahit siguro si Paolo [Gumabao], yung half-brother ko na bunso namin, three years ago lang namin siya nakilala.

“So, yung mommy ko, akala niya bunso yung kapatid kong babae, pero biglang meron pa pala na iba.

“Sabi lang niya, ‘Oh, hello,’ tapos umiiyak siya, ‘Ang tagal mo na walang daddy.’

“Yung mommy ko, hindi nagtatanim ng sama ng loob, so kaming magkakapatid, never din kami nagkaroon ng ganoong feeling.

“Grabe ang mommy ko, hindi siya nagagalit, lalo na sa mga half-sibling ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN