Gretchen Barretto sings at "travel buddy" Atong Ang's 60th birthday

IMAGE Courtesy: @gretchenbarretto on Instagram

Isa si Gretchen Barretto (fourth from left) sa mga punong-abala sa selebrasyon ng ika-60 kaarawan ni Atong Ang (third from left) nitong nakaraang linggo. Kasamang dumalo ni Gretchen sa pagtitipon ang long-time partner na si Tonyboy Cojuangco. 


Idinaos nitong nakaraang linggo ang engrandeng ika-60 kaarawan ng negosyanteng si Atong Ang sa grand ballroom ng Marriott Manila, Pasay City. 

Isa sa pinakaabala sa nasabing selebrasyon ang malapit na kaibigan ni Atong na si Gretchen Barretto.

Sa sariling posts ni Gretchen sa Instagram, masasabing isa siya sa nag-conceptualize sa pagsalubong ng ika-60 kaarawan ni Atong.

Sa isa niyang post, sinabi ng kontrobersiyal na Barretto sister: “The countdown begins… 6hours to 12 midnight… 59 / 60 years. I am not the one turning 60. I'm 47 years old.”

Sa video ay isang red cocktail dress na long-sleeved at uneven-hemmed ang suot ng kinikilalang one of the most beautiful faces sa showbiz.

Sinabi ni Gretchen sa isa pang post na "travel buddies" sila ni Atong, kasama ang ilan pang kaibigan.

Tinawag niyang "chino cappuccino" si Atong, na unang nakilala ng publiko noong nasama ito sa tinatawag na "Midnight Cabinet" ng dating Pangulong Joseph Estrada.

The travel buddies celebrate chino cappuccino 59/60????????????

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Ipinakita din sa Instagram posts ni Gretchen ang iba’t-ibang uri ng cakes sa selebrasyon.

Sabi niya sa caption: “About Last night. Chino turns 59/60, kudos to Winnie Go & Willin Chan for an awesome party planning.

“Special Thanks & loads of love to Eileen Galang, my dearest superstar Elaine Yu, Mimi Que, madame Natalie Miranda, Wena Go, Lorna, Al Purugganan for making last night extra special.

“When ladies meet to plan a party, this is what happens... a ballroom filled with balloons, flowers, fruits, & cakes.”

THE RED DRESS. Nang pumasok uli si Gretchen sa birthday venue, naka-red pa rin siya, ngunit ito ngayon ay mahabang chiffon trench dress, na may itim na inner garment at malaking gold belt.

Sumasayaw pa ito sa saliw ng hit 1979 song ni Donna Summer na “Hot Stuff,” habang papalapit sa grupo nina Atong.

Chino cappuccino turns 59/60????oh yes.... I am a ????????????????????

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Pagpatak ng alas-dose ng hatinggabi, kinantahan muna si Atong ng kanyang mga bisita ng happy-birthday song, bago ito nag-blow ng candle sa kanyang cake, sabay ng bonggang balloon drop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

About Last night ???? chino turns 59/60????

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Kumanta din si Gretchen nang ilang beses para sa kaibigan. Ito ang isa...

????????

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Nasa pagtitipon din si Tonyboy Cojuangco, ang long-time partner ni Gretchen.

About Last night ????????????

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN