Marco Gumabao leaves Star Magic after four years; signs up with VAA

IMAGE Noel Orsal

Marco Gumabao on trying his luck with Viva Artists Agency: "Hindi ko sinasabi na hindi kayang ibigay yun ng Star Magic, pero ang hirap, kasi ang dami naming lalaki doon. Unang-una, nandiyan si DJ, Enrique Gil, silang dalawa. After that, may mga galing sa PBB [Pinoy Big Brother]. So, ang hirap na kahit kaya mo nang ipakita, in terms of acting, kung hindi pa talaga nila mabibigyan, mahirap talaga."


Umalis na sa poder ng Star Magic, talent arm ng ABS-CBN, ang young actor na si Marco Gumabao.

Nasa pangangalaga na siya ngayon ng Viva Artists Agency (VAA).

Ngunit bago siya nagdesisyong umalis sa Star Magic, hiningi muna raw ni Marco ang opinyon ng kanyang mga kaibigan, tulad ni Daniel Padilla, na nagpahayag ng lungkot sa pasya niya.

Lahad ni Marco sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Malungkot sila, lalo na si DJ [Daniel].

“Unang-una, mawawala na yung pagsasama namin sa ball, sa mga basketball sa Star Magic.

“Pero sabi ko, hindi naman ako puwedeng mag-stay para lang sa basketball natin.

“Sa mga basketball, puwede pa rin ako manood. Susuportahan ko pa rin kayo.

“Pero this one, for my personal career, my personal choice.

“Siyempre, gusto ko makipagsabayan sa lahat ng mga sikat na love team ngayon.

“And siyempre, kung alam mo na kaya mo, you have to be confident. You have to strive harder.

“Kung hindi ako mag-strive hard, walang mangyayari sa career ko.”

Patuloy niya, “Sabi ko sa kanila, gusto ko sila makasama sa itaas.

“May mga times na you have to decide for yourself. Hindi puwedeng stick lang to the barkada.

“Naintindihan naman nila.

"Nakakalungkot. Kahit ako, nalungkot.”

Nakausap ng PEP.ph si Marco sa contract signing nila ng mga kapatid niyang sina Michelle at Kat Gumabao sa Viva Artists Agency ngayong Lunes, September 4.

NEW JAMES REID? Malalaki ang mga plano ng Viva para kay Marco, tulad ng pagbi-build up sa kanya bilang matinee idol.

Sabi niya tungkol dito, “Nakakatuwa na marinig yun, and I hope magtugma-tugma ang lahat ng plans with Viva.”

Ano ang reaksiyon niya sa sinasabing siya na ang bagong James Reid, na itinuturing na pinakasikat ngayong male artist ng Viva?

Ayon kay Marco, “I’d want to be the next one. Sino ba ang may ayaw?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s why nag-transfer ako from Star Magic, kasi feeling ko, baka mas ma-push.

“Hindi ko sinasabi na hindi kayang ibigay yun ng Star Magic, pero ang hirap, kasi ang dami naming lalaki doon.

“Unang-una, nandiyan si DJ, Enrique Gil, silang dalawa.

“After that, may mga galing sa PBB [Pinoy Big Brother].

“So, ang hirap na kahit kaya mo nang ipakita, in terms of acting, kung hindi pa talaga nila mabibigyan, mahirap talaga.”

Patuloy ng 23-year-old actor, “Hindi na ako bumabata, patanda na ako nang patanda, so I want to strike while the iron is hot.

“I’d been with Star Magic for four years and, I think, puwede na akong mag-try ng iba.”

Kung bibigyan daw siya ng Viva ng ka-love team, si Yassi Pressman ang gusto ni Marco na makapareha dahil matagal na ang friendship nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN