Ella Cruz on relationship status with Julian Trono: "Basta nagkaintindihan na lang po."

IMAGE Noel Orsal

Ella Cruz says she and Julian Trono have not even begun dating. At the same time, she also admits they've come to an understanding about their feelings for each other.


Ayon kay Ella Cruz, wala pa silang opisyal na relasyon ni Julian Trono sa kabila ng pag-amin ng young actor na may pagtingin ito sa kanya.

"Hindi naman po kami nagdi-date. Wala pong label," sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nang ipagtapat sa kanya ni Julian na in love ito sa kanya, ano ang naging tugon ni Ella?

"Kung ano po ang sinabi niya."

I love you rin?

"Hindi po!" natawang sagot niya. “Basta nagkaintindihan na lang po."

Nagulat daw si Ella na may impression pala sa kanila na parang "ander" niya si Julian.

"Ha? Ako?!" reaksiyon niya.

“Parang hindi naman po nangyayari yun.

“Balanse kami, iniintindi namin ang parehas."

K-ADDICT. Isang K-pop addict ang role ni Ella sa unang pelikula na pagtatambalan nila ni Julian, ang Fan Girl/Fan Boy ng Viva Films. 

Aniya, ”It’s our first movie together and, of course, the story itself po, magugustuhan nilang lahat.

"I think, meron naman tayong lahat na first crush, first love, nasaktan at lahat makaka-relate po."

Pakiusap pa niya, "Hindi lang naman po siguro yung mga K-pop or K-drama addicts ang kailangang sumuporta sa movie.

"Kung maaari po, lahat po sana ng tao na mahilig manood ng pelikula at mahal kami.

“Kasi siyempre, yung passion po namin to do this movie, yung passion ng bumubuo ng pelikulang ito.

“Talagang may puso noong ginagawa po.”

Hindi lamang daw sa pelikula ang pagiging K-addict ni Ella.

Dumating na nga raw siya sa puntong nagpupunta siya sa meet-and-greet ng Korean stars.

Kuwento niya, ”Yung Black Pink po pinuntahan ko, parang sila yung pumalit sa 2NE1.

"Pero ang unang K-pop na nagustuhan ko talaga, si Sandara Park.

"Kaya ko nakilala ang K-pop dahil kay Sandara."

Si Sandara ay miyembro ng dating all-female K-pop group na 2NE1.

Wala raw passes si Ella para makapasok sa meet-and-greet ng Black Pink, pero isang Pinoy na fan boy rin daw ang tumulong sa kanya.

“Ginawan niya ko ng ID, ginawan niya ako ng Spotify nila, pero sa Korea lang meron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung first 100 people na mag-register, makakapasok.

"E, pang-seven ako, so yun, pumunta po ako sa kanila.

"Sa meet-and-greet kasi, puwede ka lang mag-hi.

"Apat silang marunong mag-English.  

“Kinausap ko sila in English para malaman nila na international fan ako.

"Nakipag-hand shake ako, nakausap ko sila," masayang kuwento niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN