Julian Trono professes being in love with screen partner Ella Cruz: "Yes, I am."

IMAGE Rose Garcia

Julian Trono may be pussyfooting about courting Ella Cruz in earnest, but his heart is sure. "Right now kasi nagwu-work kami, ang hirap unahin ang nararamdaman namin ngayon. I'm trying to be more responsible, darating po kami run," he said.


Hindi raw naniniwala si Julian Trono na kailangang maging totohanan ang isang love team para maging matagumpay.

Ehemplo nga niya ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre, na hindi naman agad naging sila.

Ani Julian, "Kasi bilang artists kayo, hindi niyo kailangang magkaroon agad ng mas malalim.

"Eventually, JaDine po, after two years, naging natural kasi ang tagal na nilang magkakilala.”

Nai-in love na nga ba si Julian sa ka-love team niyang si Ella Cruz?

Nakangiting sagot ni Julian, "I'm always in love.

“Yes, I am, I have strong feelings for her.

“Alam mo yung you try to take good care, madali lang yung ito ang nararamdaman ko.

“Pero paano kung mag-fail?"

Ayon kay Julian, noong unang bahagi ng 2017 nang maramdaman niyang nai-in love na siya kay Ella.

Saad niya, “Okay, we both have strong feelings for each other.

"Right now kasi, nagwu-work kami, ang hirap unahin ang nararamdaman namin ngayon. 

"I'm trying to be more responsible. Darating po kami dun, e.

“Yung opportunities dumadaan 'yan... two, three years from now, baka mawala.

“Yung feelings kasi nandito lang 'yan as long as magkasama kami."

SARAH’S FAN. Sa kabilang banda, mabilis na inamin ni Julian na isa siyang fan boy ni Sarah Geronimo.

Nagkasama na sila sa show at alam daw ni Sarah ang pagiging fan niya.

“She knows, even yung buong team alam, kasi band rehearsal pa lang nanonood na ako sa kanya.

“‘O, huwag kang kabahan, ha, relax ka lang,’” sabi raw ni Sarah kay Julian.

Kuwento pa ng dancer-actor, "Unang performance ko, talagang na-lost ako, meron kaming duet.

“So, pagsampa sa set, nag-panic talaga ako kasi she was looking at me, she was dancing.  

“Wala, ang sarap!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN