Film Workers Summit reveals poor working conditions in the local film industry

IMAGE Noel Orsal

According FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra, one of the many issues that need to be addressed is the lack of job security. She relates, "Yun talaga yung pinaka-root na problema ng mga tao na nagtatrabaho sila ng walang kontrata, na wala silang pinanghahawakan, wala silang proteksyon."


Sa inisyatibo ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay ginanap ang Film Workers Summit noong August 30 at 31 sa UP Film Center sa UP Diliman, Quezon City.

Ayon kay FDCP Chairperson Liza Diño, 500 film workers ang nakadalo sa unang araw, at 400 sa pangalawa.

Isa sa mga importanteng tinalakay ay ang mga hinaing ng mga manggagawa sa likod ng local filmmaking industry.

Saad ng FDCP Chair, “Yung working conditions, yung talagang walang oras ng trabaho, yung kawalan ng kontrata, yung tipong nagtrabaho ka o kaya kinansela ka bigla, o kaya hindi ka pa nababayaran.

“Yun talaga yung pinaka-root na problema ng mga tao na nagtatrabaho sila nang walang kontrata, na wala silang pinanghahawakan, wala silang proteksiyon.

“So, grabe talaga.

“My heart broke for our workers na naaaksidente, nahuhulog sila, walang security.

“No one is taking care of them."

Paano matutugunan ng naturang summit at ng FDCP ang mga ganitong problema?

Ayon kay Liza, “Meron kaming mga legislators na nandoon para pakinggan kung anong puwedeng gawing mga batas.

“At kami naman mismo, meron kaming ni-launch na Magna Carta for Film Workers.

“Dito mapapaloob lahat na puwede nating gawin para i-address at tugunan yung mga pangangailangan ng industriya, para mapangalagaan ang kanilang kapakanan.”

Nainterbyu si Liza sa radio program ng DZRH na Showbiz Ganern noong Biyernes, September 1.

IMMEDIATE ACTION. Isa sa dumalong legislators sa Film Workers Summit ay si Pangasinan Representative Christopher de Venecia, na naging representative ni Senator Grace Poe.

Nagpatawag din daw ng meeting sina Quezon City Representative Alfred Vargas at Batangas Representative Vilma Santos.

Nangako raw silang tutulong sila para matugunan ang pangangailangan ng film workers, lalo na ng mga gaffers, utility workers, makeup artists, production assistants, at iba pa.

Patuloy ni Liza, "Ang pinakaimportante talaga ay magkaroon tayo ng policy na talagang kahit anong gawin mo ay kailangan mo talagang sundin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tiniyak din ng komite na mabigyan ang nga manggagawa ng tamang government-mandated benefits, gaya ng SSS, Pag-IBIG, at PhilHealth.

“Biro mo, may mga tao na wala pa ring SSS hanggang ngayon, walang PhilHealth, walang Pag-IBIG.

“So, itong FDCP National Registry, ito ay registry para sa lahat ng manggagawa.

“Pag nag-sign kayo diyan at naging part kayo ng FDCP Film Workers, lahat na mga policies covered kayo, lahat ng mga benepisyo, may access na kayo.

"Kasi meron na kaming opisina na talagang division na yun lang ang gagawin para sa workers."

Tiniyak din niyang maaaksyunan at matututukan ang mga hinaing na pinag-usapan sa summit.

Sabi ni Liza, “Yun siguro ang maging kaibahan sa FDCP, kasi ang importante sa bawat isa, kahit anong klaseng inisyatibo ay follow through.

“Kailangan hindi tayo tumitigil, kailangan maingay ka lagi.

“With FDCP, this is the priority.

“Kasi more than the program, more the event, kung talagang makagawa kami ng magagandang polisiya, ang maku-cover nito buong industriya, hindi piling tao.”

LEAVING A LEGACY. Importante raw para kay Liza na maisakatuparan ang ganitong mga hakbang at proseso habang siya ay nakaupo pa bilang pinuno ng FDCP.

Aniya, “So, napakaimportante sa amin na, ako, siyempre personally as chair, maiwan ko man lang na ganito.

“This is not forever. I think three years lang ako dito sa industry. 

“Gusto ko na talaga gawin lahat, para at least man lang after my term, ma-institutionalize natin ang mga policy na puwede nating mangyari para magbago na.

“Nakakalungkot talaga.”

Masigasig din daw ang buong team niya sa FDCP na mabigyan ang mga hinaing na ito ng agarang aksyon para maramdaman ng mga manggagawa na hindi ito for publicity lang.

“In terms of immediate action, natutuwa ako kasi ang mismong legal team namin sa FDCP ang nakarinig ng hinaing nila.

“So, I have never [felt] them more aggressive na talagang inspired na gumawa ng step.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Katulad ngayon, gagawa kami ng mga template contracts para puwedeng magamit ng mga artista, not just artista, kundi mga mangagagawa sa mga pinapasukan nilang trabaho.

“Yun talaga ang kailangan kasi hindi sila napuportektahan.

“May Magna Carta kaming pina-plan, tapos may mga policy kaming gusto

naming maumpisahan, and I’m working with them para maumpisahan na namin.”

Bumuo rin daw ng Grievance Committee ang FDCP upang matugunan ang iba pang hinaing ng mga manggagawa.  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN