Sharon Cuneta admits feeling sad; refuses to reveal why

IMAGE Noel Mangalonzo

Sharon Cuneta on being emotional: "Nagru-roller-coaster ako ngayon ng ano… siyempre hindi naman lahat ng tao may ano… maraming pinagdadaanan. 'Yan ang ano namin, e… kaming mga artista, kaya sabi nila magaling kami sa pelikula, magaling umarte… yung mga sugat, matagal gumaling, or may mga bago, may mga luma."


Marami ang nagtatanong kung ano ang pinagdadaanan ngayon ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Ito ay matapos marinig ang pahayag ng actress-singer sa phone-patch interview nito sa radio program ng matalik niyang kaibigang si Noel Ferrer sa radio program nitong Level Up sa Radyo Inquirer noong Sabado, September 2.

Dito ay inamin ni Sharon na malungkot siya ngayon.

Pahayag niya, “I’m sad.

"The whole day today, I’ve been praying… just peace in my heart.

“I pray for personal peace and happiness.

“Sa lahat ng meron ako, yung puso ko lang ang inaalagaan ko.”

Hindi sinabi ng Megastar kung ano ang dahilan ng kalungkutan niyang ito.

Maaaring lumabas at mapag-usapan din ito sa darating na mga araw, pero sa ngayon daw ay patuloy lang siyang nagdarasal na malagpasan niya ito.

Tinanong siya ni Noel kung ano ang gusto niyang hilingin sa darating na Pasko,

Makahulugang sagot ni Sharon, “Dalawa lang kaming nakakaalam niyan.

“Meron lang hinihingi ang heart ko.”

Ang tinutukoy ng Megastar na isa pang nakakaalam ay ang Diyos, na lagi raw niyang dinadasalan na sana ay makuha niya ang katahimikang gusto niyang makamit.

ROLLER-COASTER. Noong Linggo, September 3, ay nag-guest si Sharon sa musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP.

Habang kinakanta ang awitin ng The Carpenters na "You" ay naging emosyunal ang Megastar at napaiyak. 

Ilang oras pagkatapos nito ay ginanap ang blogcon ng pelikula ni Sharon na Ang Pamilyang Di Lumuluha.

Dito ay inusisa ang Megastar kung bakit siya napaluha habang kumakanta sa ASAP.

Seryosong pahayag ni Sharon, “Nagru-roller-coaster ako ngayon ng ano… siyempre hindi naman lahat ng tao may ano… maraming pinagdadaanan.

“‘Yan ang ano namin, e… kaming mga artista, kaya sabi nila magaling kami sa pelikula, magaling umarte… yung mga sugat, matagal gumaling, or may mga bago, may mga luma.”

Sa ngayon ay sinasarili lang daw muna ni Sharon kung anumang pinagdadaanan niya dahil ayaw niyang maapektuhan ang kanyang supporters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “I’m always smiling.

"No one really knows what goes on while I’m smiling. What’s going inside me now.

“Kumbaga sa Houston, nakalubog pa ang bahay sa dibdib ko sa mga nabahaan,” pagtukoy niya sa nangyaring kalamidad sa siyudad sa Texas, USA.

Kahapon, September 4, nakausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang talent manager na si Noel Ferrer.

Sinubukan naming alamin kung ano ang pinagdadaanan ni Sharon, ngunit tumanggi itong ibahagi ang nalalaman niya.

"Lalabas din niya 'yan at maaayos niya 'yan. She has always been a survivor, and we are praying for her," sabi ng talent manager.

Kahapon din ay nag-post si Noel sa kanyang Instagram account ng statement na tila tumutukoy sa pinagdadaanan ngayon ni Sharon.

Sabi niya, “In a world where controversies & scoops are the order of the day, I would always choose to be a friend in need and in deed!”

INDEED! #ReminderToSelf #TheFirstNoel #Wisdom #Relevance

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN