FDCP Chair Liza Diño admits lack of support from big-name stars during Film Workers Summit

IMAGE Noel Orsal

FDCP Chair Liza Diño-Seguerra on no-show of actors at the Film Makers Summit: "Paano kami mag-iingay kung kulang yung boses?"


Ayon kay Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño-Seguerra, naging matagumpay ang nakaraang Film Workers Summit na ginanap noong August 30 at 31 sa UP Film Center sa UP Diliman.

Ngunit sa isang Facebook post ng screenwriter na si Sigfreid Barros Sanchez, ipinahayag niya ang pagkadismaya dahil daw bilang lang ang dumalo.

Hindi naman ito itinanggi ng FDCP chairperson.

Bagamat napag-usapan ang aniya'y mga mahahalagang puntos, may epekto raw ang hindi pagdalo rito ng mga artista.

Ayon kay Liza, “Totoo naman yung sinasabi [ni Sigfreid] na siyempre pag sinasabi mong film worker, ang unang-una mong nasa isip, yung pupunta diyan mga malalaking artista.

“Yung absence nila, siguro kahit papa'no nag-cause ng parang na-dampen yung spirit ng iba.

"Kasi siyempre, this could have been a chance para makapagsalita at tumayo ang mga artista, ang mga director on behalf of this workers na walang boses.

“Kahit anong gawin ng ating mga crew, hindi naman sila mapi-pick up ng media, e.

“Ang mapi-pick up ng media kung artista ka, director ka.

“Paano kami mag-iingay kung kulang yung boses?” 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Liza ukol dito noong Biyernes, September 1.

MORE SUPPORT NEEDED. Ayon sa Facebook post ni Sigfreid:

“Naramdaman ko ang lungkot at pagkadismaya ni FDCP Chair Liza Diño-Seguerra sa isinagawang  two-day Film Summit kahapon at noong isang hapon.   

“Halos ¼ lang ng mga upuan sa Film Center ang napuno, bungi-bungi pa.

“Puro mga old timers ang mga nagsidatingan at iilan lang mula sa mgatinaguriang bagong henerasyon ng mga filmmakers na para bang ang ginagawang Summit ay para lamang sa mga matatndang taga-pelikula na nag-aasam ng benefits at walang benefits na makukuha dito ang mga bata.   

“Maging ang ipinagmamalaki ni Chair Liza na mga filmmakers na kumita ng halos P200 million sa nakaraang Pista ng Pelikulang Pilipino ay hindi mo nasilayan ang mga anino sa Summit maliban kay Paolo Villaluna na member kasi ng mga panelists.    

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinulungan mo sa mga proyekto nila pero hindi ka tinulungan sa proyekto mo.

“Mas marami pang dumalo sa ipinatawag na meeting ng isang direktor kamakailan para pag-usapan ang mga concerns nila sa industry na siya din namang pinag-usapan sa Summit,” ayon pa sa bahagi ng post ng screenwriter.

Pinuri rin ni Sigfreid ang lahat na ginagawa ng FDCP Chair kaya buo raw ang suporta niya sa lahat ng proyektong sinimulan nito.

Patuloy niya, “Naniniwala ako na bukal ang loob ni Liza na tumulong at tumugon sa hinaing ng lahat.

“I see her doing her darn best to please everyone.   

“Never in the history of FDCP has its leader been as busy and as supportive as this.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN