Sharon Cuneta hints at emotional and physical stress: "May pinagdadaanan lang."

IMAGE Noel Mangalonzo

Despite emotional and physical stress, Sharon says "the show must go on." In fact, she's excited about her upcoming movie with Robin Padilla under Star Cinema.


Nanibago ang entertainment press sa Megastar na si Sharon Cuneta nang humarap siya sa press conference ng pelikula niyang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, sa Dolphy Theater, kahapon, September 4.

Sanay kasi ang press na sa tuwing may presscon siya ay masayahin at talagang palatawa ito.

Ngunit iba ang aura ng Megastar kahapon. Parang malungkot ito at may pinagdadaanan.

Inamin naman ito ni Sharon nang may magtanong kung masama ba ang pakiramdam niya.

Saad ng 51-year-old actress-singer, “Kasi one year and eight months na ang diyeta ko na mostly on the diet.

“Yung hindi masyadong nandadaya, kaya malaki na rin ang nawala sa akin.

“Siyempre, I’m not 30 anymore, not 20 anymore. 

“So many responsibilities. 

“So many things for once in your life, but the show must go on.”

Inamin din ni Sharon na may pinagdadaanan siyang emotional issues.

“Yun at saka physical din,” dagdag niya.

“Ibig kong sabihin, you’re always kulang sa nutritition.

“Kulang sa nutrisyon sa lahat ng aspeto ng buhay mo.

“Sabihin na lang natin na marami, hindi lang isa.”

Nang muling tanungin tungkol sa kung ano ang pinagdadaanan niya, hindi naging partikular ang batikang aktres.

Sagot ni Sharon, “May pinagdadaanan lang.

“Hindi ba, sometimes you have to work kapag may pinagdadaanan ka? Personal ‘yan o ano.

“I mean, whatever it is, nagbibigay sa ‘yo ng sakit ng ulo, ke anak ‘yan, ke kamag-anak ‘yan...

“You know, parang it’s just one of those things. One of those days.  

“Nagkataon na kung kailan kailangan maraming gagawin, e, na-overwhelm ako. 

“Yung puso ko, parang may sariling opinion.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN