Agot Isidro shrugs off bashers of her posts about politics

IMAGE Courtesy: @agotisidro on Instagram

Sanay na raw si Agot Isidro sa mga personal na atake sa kanya ng bashers. Hindi raw siya apektado sa mga birada nila. 


Hindi apektado si Agot Isidro kahit parang personal na ang atake sa kanya ng bashers.

Ito ang paniniguro ng singer-actress sa kanyang followers sa Twitter na nag-alala sa kanya dahil parang below the belt na ang atake ng bashers sa kanya.

Nag-ugat ito sa tweet ni Agot noong Linggo, September 3: “The Congress is dead. The Senate is dead. We are on our own, kids.”

Hindi man tinukoy ni Agot kung ano ang pinanggalingan ng tweet niyang ito, tiyak na may kinalaman ito sa mga kaganapan sa pulitika.


Dinumog naman kaagad ng bashers ang actress-singer, na kilalang kritiko ng administrasyong Duterte, dahil sa kanyang post.

Narito ang ilan sa kanila:





PERSONAL ATTACKS. May dalawang netizens na pinatulan si Agot dahil sa pag-atake ng mga ito sa kanyang personal na buhay, partikular na ang paghihiwalay nila ng kanyang asawa at kawalan ng anak.

Buwelta naman ng dating FPJ's Ang Probinsyano actress, "And I will back down because of this? Try again, sweetie."





Ayon pa kay Agot, hindi siya apektado ng mga negatibong komento sa kanya kundi ini-enjoy lamang niya ito.


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN