Joshua Garcia denies awkwardness between him and former loveteam partner Loisa Andalio

IMAGE Allan Sancon

Joshua Garcia appeals to fans and viewers to stop giving meaning to the viral video. He says, "Di sila dapat nag-iisip ng ganun. Sa showbiz, magkakaibigan kaming lahat."


Nag-viral ang video ng ASAP Chillout guest appearance nina Julia Barretto at Joshua Garcia dalawang linggo na ang nakalilipas.

Ang guesting ay para sa promo ng pelikula nilang Love You To The Stars And Back.

Dito ay kitang-kita raw ang pagiging awkward ni Loisa Andalio habang ini-interview ng kasamang co-hosts sina Joshua at Julia.

Unang ipinareha sina Loisa at Joshua sa ilang proyekto ng ABS-CBN bago nabuo ang tambalan nina Joshua at Julia, na ngayon ay binansagang “JoshLia.”

Si Loisa naman ay sinubukang ipareha sa iba’t ibang baguhang aktor sa bakuran ng Kapamilya network.

Ayon kay Joshua, walang awkwardness sa pagitan nila ng dating kapareha, lalo’t magkasama sila sa upcoming teleserye ng ABS-CBN, ang The Good Son.

Pahayag ng young actor, “Wala naman, wala naman kaming ilangan.

“Siguro yung mga tao lang nagbigay ng mga awkward-awkward ganyan, pero kami, okay naman kaming lahat.”

Sinabi rin ng binata na hindi dapat binibigyan ng kulay ang anumang nakikita ng mga tao sa video dahil wala naman talaga silang problema sa isa’t isa.

Wika niya, “Hindi sila dapat nag-iisip ng ganun.

"Sa showbiz, magkakaibigan kaming lahat."

Nagpasalamat din si Joshua kay Loisa nang magbigay ang dalaga ng magandang feedback sa Love You To The Stars And Back.

“Thank you kung happy siya para sa akin, para sa amin.

“I’m happy din naman para sa kanya sa mga nagiging achievements niya sa buhay.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Joshua sa 33rd Star Awards for Movies, na ginanap sa Newport Performing Arts Theater, sa Resorts World Manila, noong September 3, Linggo.

Nanalo siya bilang New Movie Actor of the Year para sa pelikulang Vince, Kath & James.

Emosyunal si Joshua nang tanggapin ang kauna-unahang award.

“Very happy kasi isa yun sa stepping stone ko.

"Maraming-maraming salamat sa PMPC sa award na ito," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Nora, Vilma, Daniel win top honors at Star Awards for Movies
Nora, Vilma, Daniel win top honors at Star Awards for Movies

THANKFUL TO THE STARS AND BACK. Nagpasalamat din si Joshua sa mainit na pagtanggap ng mga manonood at sa magandang feedback ng movie critics sa Love You To The Stars And Back.

Aniya, “Gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagbigay ng chance na pakiligin sila, pasayahin sila.

"Sa lahat ng magandang reviews, gusto kong magpasalamat.

“Sa lahat ng nagpa-block screening na mga fans, sobrang overwhleming.”

Marami ang nagsasabi na ang tambalang “JoshLia” ang susunod sa tambalan noon ng tita ni Julia na si Claudine Barretto at ng yumaong aktor na si Rico Yan.

Ngunit para kay Joshua, mahirap mapantayan ang naabot ng tambalang Rico-Claudine.

Tugon ni Joshua, “Dati pa naman nilang sinasabi yun, e, pero sa akin, nag-iisa lang sila.

“Hindi naman mapapanatayan yung ginawa nilang history.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN