Sharon Cuneta's note to self: "Hey brain, rest. Lalo na you heart."

IMAGE Noel Orsal

Pinalalakas ni Sharon Cuneta ang kanyang loob sa gitna ng pinagdadaanang personal issues: "Aba in the midst of all my cartwheeling, roller coaster-ing, hyperventilating and EDSA trafficking emotions -- para na ring I heard my Daddy's voice and felt him make me batok! Biglang I REMEMBERED TALAGA WHO I AM!"


Idinaan ni Sharon Cuneta sa pagbahagi ng inspirational quotes ang halu-halong emosyong pinagdadaanan niya ngayon.

Umabot ng halos sampung quote cards tungkol sa “disappointments, topsy-turvy days, painful process” ang inilagay ng Megastar sa kanyang Instagram mula noong Biyernes, Setyembre 1, hanggang nitong Lunes, Setyembre 4.

Kapansin-pansing tila pinapalakas ni Sharon ang loob sa quote cards niyang may nakasulat na “Remember who you are.”

Kalakip nito ang caption na: "Aba in the midst of all my cartwheeling, roller coaster-ing, hyperventilating and EDSA trafficking emotions -- para na ring I heard my Daddy's voice and felt him make me batok!

"Biglang I REMEMBERED TALAGA WHO I AM!

"Yes, Daddy... Aba teka nga muna... Hoy Sharona! Alam mo na... Huwag ka ganyan tandaan mo saan ka galing! Thank you Lord."

PRAYERS AND POSITIVE ATTITUDE. Panay ang dasal ng 51-year-old actress/singer/TV host na malampasan kung anuman ang problemang kinahaharap niya ngayon.

May isiningit din ang Megastar na personalized quote card para sa sarili: "Oh, sweet slumber... please come soon... hey brain, rest! Lalo na you heart. Meme na please?"

A post shared by Sharon (@reallysharoncuneta) on

Ngunit tikom ang bibig ni Sharon sa kung ano ang puno't dulo ng kanyang problema.

MOURNING A GOOD FRIEND. Dagdag pa rito, inamin ni Sharon na nagdadalamhati ang kanilang pamilya dahil sa pagpanaw ni Mitch Roa, pinsang buo ng mister niyang si Kiko Pangilinan.

Malapit daw kasi si Mitch sa celebrity couple mula noong nililigawan pa lang ni Kiko ang Megastar.


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta admits feeling sad; refuses to reveal why
Sharon Cuneta admits feeling sad; refuses to reveal why
Sharon Cuneta hints at emotional and physical stress
Sharon Cuneta hints at emotional and physical stress


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN