Ejay Falcon still can't say if Jana Roxas is "the one" for him

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Ejay Falcon reveals that his parents approve of his girlfriend Jana Roxas. "Nung ipinakilala ko siya, alam ko na sigurado ako na magugustuhan siya," he says.

 


Hindi raw kailangan itago ng Kapamilya actor Ejay Falcon ang relasyon nila ng dating aktres na si Jana Roxas.

Pahayag ni Ejay, “Pag masaya ka, ba’t kailangan mong itago?

“Okay naman, masaya naman kami.

"Pero siyempre hindi namin minamadali ang mga bagay-bagay.” 

Ngunit paglilinaw ni Ejay, masyado pang maaga para sabihing si Jana na ang kanyang “forever.”

“Ay, wala. Masyado pang maaga.

"Pero alam naman natin na pag tayo’y in love or nasa isang relasyon, alam naman natin na sana...

"Nandun lagi yung hope mo na sana siya [na], pero siyempre ang hirap magsalita nang patapos,” sabi ng Kapamilya actor.  

Ang tiyak daw, masaya sila ni Jana sa kanilang relasyon.

Saad niya, “Pag nasa relasyon ka naman, huwag mong aaksayahin yung moment na magkasama kayo.

"Huwag mong aaksayahin yung oras sa mga bagay na malulungkot kayo. Kailangang maging masaya.”

Inamin din ng binata na naipakilala na niya sa kanyang mga magulang si Jana.

Boto ba sila sa kanyang girlfriend?

Tugon ni Ejay, “Oo, kasi bago ko naman maipakilala, sigurado naman kasi ako.

"Kasi hindi naman ako basta-basta nagiging open sa ganyan.

“Nung pinakilala ko siya, alam ko na sigurado ako na magugustuhan siya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ejay sa press conference ng upcoming ABS-CBN drama series na The Promise of Forever, na ginanap sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN compound ngayong Martes ng tanghali, Setyembre 5.

Bukod kay Ejay, bida sa afternoon teleserye na ito sina Paulo Avelino at Ritz Azul.

ON JANA’S POSSIBLE COMEBACK. Parehong produkto ng reality shows sina Ejay at Jana.

Si Ejay ang Big Winner sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008.

Si Jana naman ay produkto ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck Batch 3 noong 2005.

Sinabi rin Ejay na may mga offer kay Jana na bumalik sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw niya pipigilan ang girlfriend, pero pinayuhan daw niya itong tiyakin na desidido siya kung maisipan niyang mag-comeback.

“In-explain ko sa kanya, ‘Ibigay mo ang best mo, physically, maging ready ka. Hindi dahil gusto mo lang.’

"Siguro ngayon, masasabi ko na pinag-iisipan niya," ayon sa aktor.

Unang lumabas ang balita tungkol sa pagkakamabutihan nina Ejay at Jana huling bahagi ng 2016, nang mag-post si Ejay sa social media ng kanilang bakasyon sa Japan.


Stories We Are Tracking

Ejay Falcon in a relationship with <em>StarStruck</em> finalist?
Ejay Falcon in a relationship with StarStruck finalist?
Ejay Falcon thankful for girlfriend Jana Roxas
Ejay Falcon thankful for girlfriend Jana Roxas


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN