Jake Zyrus optimistic about reconciliation with mom Raquel Pempengco

IMAGE Noel Orsal

"Bahala na yung mga tao if they think badly about me. Basta ako, sa sarili ko, alam ko yung totoo, alam ko yung intensiyon ko," says Jake Zyrus about his life story featured in Maalaala Mo Kaya.


“Hindi ko intensiyon na may siraan.”

Ito ang diin ni Jake Zyrus tungkol sa kanyang life story na itinampok sa ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK) noong August 26

Dagdag pa ng international singer, “Sa akin naman po, lagi kong sinasabi diyan, ang intensiyon ko dun sa MMK ay to inspire other people, to let other people na normal na may ganung sitwasyon sa buhay.

“It's not to hurt other people, na para siraan, no.

“Ginawa ko yun kasi naisip ko na, you know what, alam ko kasi na there are other people out there, hindi lang LGBT people, but everyone, everybody na may ganitong sitwasyon.

“Hindi lang about coming out, pero yung sitwasyon, for example, sa family or something.

“I just want to reach out and say na you're not alone.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Jake sa press conference ng nalalapit niyang concert, ang I Am Jake Zyrus, nitong Martes, September 5.

“WE'RE GONNA BE FINE.” Sa naturang episode ng MMK, negatibo ang paglalarawan ni Jake sa kanyang sariling ina na si Raquel Pempengco.

Base sa salaysay mismo ni Jake o Charice Pempengco, pinipilit at sinasaktan diumano siya ng ina upang sumali sa mga singing contest.

Nakakarinig din daw siya ng masasakit na salita mula sa ina.

Dahil dito, sinabi ni Raquel sa panayam ng PEP.ph na pinag-iisipan niyang maghain ng reklamo laban sa MMK at kay Jake.

Sabi pa ng ina ng singer, “Sobrang nasira ang kredibilidad ko bilang tao at bilang ina. Buong mundo ang nakakaalam, hindi lang ang buong Pilipinas.”


Stories We Are Tracking

Raquel Pempengco mulls filing libel against Jake Zyrus, <em>MMK</em>
Raquel Pempengco mulls filing libel against Jake Zyrus, MMK
Raquel Pempengco says she has forgiven Jake Zyrus
Raquel Pempengco says she has forgiven Jake Zyrus

Ngunit naniniwala si Jake na darating din ang panahong magkakaayos silang muli ng kanyang ina.

“Yung sa mom ko, it will take a little more time.

“I know some of you won't understand, pero mas kilala ko po sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Just a little more time. We're gonna be fine.”

Ngunit kung sakali, magiging pribado raw ang pakikipag-ayos niya sa ina.

Pahayag ni Jake, “Mahirap kasi i-explain ang relationship namin with my family.

“Basta sa akin po, kung may mangyari man na mag-reach out sa kanila, I don't think people will know it.

“Kasi, ayaw ko po ng napu-post sa Facebook.

“If I reach out to them, malamang ano...

"There were so many times na I reached out to them pero hindi naman nalaman sa Facebook.

“I prefer that way, na hindi malalaman ng tao if I reached out to them or she reached out to me, or both of us reached out to each other.”

SURPRISED BY LOLA'S REACTION. Samantala, ikinatuwa naman daw ni Jake ang suportang ibinigay sa kanya ng maternal grandmother niyang si Thess Pineda.

Matatandaang galit na galit si Lola Thess nang lumantad si Jake bilang isang transgender man.

Ngunit nag-iba ang ihip ng hangin nang maipalabas ang “Jumper” episode ng MMK.

Ang mensahe ni Lola Thess kay Jake sa kanyang Facebook post: “SIGE, SWEETHEART, ISIGAW MONG SAKIT NA NARARAMDAMAN MONG YAN, BATA KA PA LANG DINANAS MO NANG KALUPITAN NA YAN.

“HWAG KANG MATAKOT. NANDITO AKONG MAGPAPATOTOO NYAN AT TAMA ANG YANG GINAWA MONG YAN.”


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus's maternal grandmother approves of MMK life story
Jake Zyrus's maternal grandmother approves of MMK life story

Sabi naman ni Jake tungkol dito, “I appreciate my grandma talking about everything positively.

“Sobrang big deal sa akin yun. Sobrang saya ko dun and thankful ako.”

Ito raw ang tinutukoy niyang maaaring mangyari rin sa kanila ng kanyang ina.

“Di ba, lagi kong sinasabi na kapag hindi okay, magiging okay?

“Yun ang perfect definition na ano, no matter what, it's going to be fine,” paniniguro niya.

Muli ring sinabi ni Jake na hindi siya naaapektuhan kung naging negatibo ang pagtingin sa kanya ng mga tao dahil sa inilahad niya sa MMK.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin niya, “Bahala na yung mga tao if they think badly about me.

“Basta ako, sa sarili ko, alam ko yung totoo, alam ko yung intensiyon ko.

“Alam ko yung intensiyon ko kung bakit ko ginawa yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN