Jake Zyrus explains decision to keep relationship with new girlfriend private

IMAGE Noel Orsal (main)/Instagram photo of Shyre Aquino (inset)

Jake Zyrus proud of relationship with non-showbiz girlfriend Shyre Aquino: "Hindi naman dapat itinatago 'yan dahil iba ang nagagawa sa atin kapag masaya ka," he says.


Happy, inspired, at in love daw ngayon si Jake Zyrus.

Hindi itinanggi ng international singer ang napapabalitang relasyon nila ng isang non-showbiz girl na nagngangalang Shyre Aquino.

“Hindi naman dapat itinatago 'yan dahil iba ang nagagawa sa atin kapag masaya ka,” sabi ni Jake nang makaharap ng entertainment reporters sa press conference ng upcoming concert niyang I Am Jake Zyrus, kahapon, September 5.

Gayunman, tikom ang bibig ng singer tungkol sa anumang detalye ng kanilang relasyon.

Sabi lang niya, “Happy ako na malaman niyo lang po na, yes, I'm with someone.

“Pero siyempre, the rest about it, yung feeling, kami na lang ang nakakaalam para... masaya kami dun.

"Hindi naman kami yung to get everybody na, 'Yeah, we're together.'"


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus introduces his new ladylove
Jake Zyrus introduces his new ladylove
Jake Zyrus admits he has new inspiration
Jake Zyrus admits he has new inspiration

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ang pagiging malihim niya ngayon ay epekto ng relasyon nila ng ex-girlfriend na si Alyssa Quijano.

Tugon ni Jake, “Hindi. Siyempre, yung sa amin ni Alyssa before, nangyari lang din.

“Kumbaga, yung ginagawa namin [ni Shyre], hindi to push everyone na ganito na kami.”

Ayon sa 25-year-old singer, pareho nilang gusto ni Shyre na maging matipid sa pagbibigay ng anumang detalye tungkol sa kanilang relasyon.

“Para lang ano, with me and Shyre, match lang yung gusto namin.

"Pareho lang kami na... parang excited lang kami na hindi alam ng mga tao.

“At saka masaya ako na ganito ang thinking niya, na mas private kami ngayon.

“Yung decision na yun, coming from both of us.”

Kasama ni Jake si Shyre sa press conference kahapon, ngunit tahimik lamang itong nakaupo sa isang tabi kasama ang staff ng management team ng singer.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN