Jake Zyrus laughs off memes about his transition to trans man: "When I look at it, natatawa rin ako."

IMAGE Noel Orsal

Jake Zyrus to his bashers: "Ever since sinabi ko sa mundo na transgender ako, parang hindi na nag-matter yung ibang negative [comments]. Kasi, parang yung matagal nang sinasabi ko, everything feels right and ayaw ko nang masira yun."


Sa estado ngayon ng buhay ni Jake Zyrus, hindi na raw siya naaapektuhan ng anumang pambabatikos.

“Sa totoo lang, sa sobrang saya, parang ang hirap mag-isip ng challenges,” sabi ni Jake nang makausap siya ng ilang reporters sa press conference ng upcoming concert niyang I Am Jake Zyrus, kahapon, September 5.

Katulad ng mga negatibong komento tungkol sa kanya, hindi rin nagpapaapekto si Jake sa memes na lumabas kung saan ginawa siyang katawa-tawa.




Sabi ni Jake, “Hindi naman na bago sa akin yun.

"From ano pa yun, from pancit canton to... Para sa akin, hindi na bago yun.” 

Hinahayaan na lamang daw niya ang mga tao na gawin ito, lalo na kung ikaliligaya nila.

“You know what, if it makes you guys happy...

"Ano naman ako, kahit in real life, kapag nasa bahay ako, I like making people laugh.

“So, para sa akin, I don't take it as a bad thing.

“Besides fun, nasa ano na talaga nating mga Pinoy, e, we like doing that.

“Kahit naman hindi sa akin, mayroong iba na gagawan talaga ng meme.”

Sa halip na magalit, positibo na lang daw ang pagtingin ni Jake sa pangungutya sa kanya online.

“Para sa akin, you know, it's up to you na. It's up to you.

“Kung you take it as a bad thing, talagang made-depress ka.

“Sorry, para sa akin, I take it as a funny thing.

“When I look at it, natatawa rin ako,” pag-amin ni Jake.

Patuloy pa niya, “Kasi, alam ko naman ang sarili ko, hindi naman ako nagpi-feeling.

“Hindi naman ako yung ipu-push ko ang sarili ko na ang guwapo ko, hindi naman.

“Alam ko naman yung ginagawa ko.”

Idiniin ni Jake na patuloy pa rin siyang magpapakatotoo anuman ang sabihin sa kanya ng publiko.

“Ang sa akin lang, I show who I am.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It doesn't matter if people think na hindi ako goodlooking

“If they make fun of me, nasa kanila na 'yon.

“Basta sa akin, masaya ako sa sarili ko.

“Whether they make a meme or not, if it makes you happy, I'm okay.

“Sabi ko nga kanina, importante na masaya ka. Kung masaya ka, ibigay ang hilig.”

IT DOESN'T MATTER. Sa paglabas niya bilang transgender, inasahan na raw ni Jake na hindi lahat ng tao ay magiging positibo ang pagtanggap sa kanya.

Aniya, “Siyempre, alam naman natin na when you do some things in your life, may masasabi ang mga tao.

“Basta ang importante po sa akin ngayon, nakikita ko at nararamdaman ko yung mga taong sumusuporta at yung mga taong tumatanggap.

“Ever since sinabi ko sa mundo na transgender ako, parang hindi na nag-matter yung ibang negative [comments].

“Kasi, parang yung matagal nang sinasabi ko, everything feels right and ayaw ko nang masira yun.”

Kahit ano raw ang sabihin sa kanya ng mga tao, hindi niya hahayaang maapektuhan siya ng mga ito.

“Yun ang sinabi ko sa sarili ko na, since ngayon nangyari na sa akin 'to, ayaw ko nang masira 'to.

“Ayaw ko nang to see myself as someone or something, masisisra yun lahat, kasi alam kong hindi ako yun.

“Alam ko na ito ang gusto ko, alam ko na dito ako masaya.

“So, wala, hindi na nagma-matter yung iba.”

Malaki rin daw ang pagbabago sa pananaw sa buhay ni Jake mula nang aminin niyang isa siyang transgender.

“Yung feeling na lahat lang ay light, lahat excited ako, pati sa rehearsals.

“Walang feeling na, 'Ugh, I have to do this again' o 'Kailangan ganito na naman.' Hindi, walang ganun.

“Tipong ano nga, e, alam kong a month away na ang concert, pero minsan niloloko ko sila, 'Puwede bang bukas na yung rehearsal? Puwede bang bukas na natin gawin?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi excited ako, e."

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN