Marco Gumabao says imprisonment of dad Dennis Roldan made him stronger

IMAGE Glenn Regondola

Marco Gumabao on dad Dennis Roldan's imprisonment: "It pushed me to become a better person, a better actor. Naging seryoso na ako sa buhay at mas naging focused ako sa work. As a person, mas papalakasin ka talaga ng mga ganyang situation."


Positibo ang aktor na si Marco Gumabao na malapit nang makalaya ang kanyang amang si Dennis Roldan mula sa pagkakakulong nito sa National Bilibid Prisons.

Si Dennis ay nahatulan ng reclusion perpetua, o mahigit na 30 taong pagkakakulong, noong 2014 dala ng involvement nito sa kidnapping ng isang Fil-Chinese boy noong 2005.

Pahayag ni Marco, “Well, hopefully soon.

“Hindi ko masabi, e. Pero sana soon.

“It's [in] the works na. Inaayos naman talaga.

“Almost three years na siya [sa kulungan], mahirap talaga.”

Bihira raw nilang mabisita ang ama dahil mahirap ang proseso ng pagdalaw, pero recently ay madalas na nila itong mabisita.

Kuwento ni Marco, “Now kasi, nasa hospital siya for the past month.

“So, yun, madalas kaming magkita.

“Naoperahan siya for diverticulitis.

“It's nothing serious naman…”

Ayon sa healthline.com, “Diverticula are bulging sacs or small blisters that appear in the lining of your large intestine, or colon. This condition is called diverticulosis when the sacs first appear but aren’t yet inflamed or infected. When these sacs get acutely infected or inflamed, it’s called diverticulitis.”

Patuloy ng 23-year-old actor, “So, yun, mas madalas namin siyang madalaw for the past month.

“Mas madalas namin siyang ma-visit anytime na gusto namin.

“Kahapon, nasa ospital kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philppine Entertainment Portal) ang dating Star Magic talent sa contract signing nito sa Viva Artists Agency (VAA), sa Viva office, Ortigas City, noong September 4.

Kasama ni Marco na pumirma ng four-year management contract sa VAA ang mga kapatid niyang sina Michele at Kat Gumabao.

THE SON. Sa puntong ito, ibinahagi ni Marco ang nararamdaman, bilang anak, sa nangyari sa ama.

Pagbalik-tanaw ng bagong Viva talent, “Siyempre, nakakagulat.

“Kasi nung first siyang pumasok [sa kulungan], I was ten, so I was still in school.

“So, hindi pa ako nag-take ng responsibility, kasi bata pa ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang nakulong si Dennis noong February 2005, dahil pa rin sa pagkakasangkot niya sa kidnapping ng noo'y three-year-old Fil-Chinese boy.

Sinabing ang former actor-politician at dati nitong girlfriend na si Suzette Wang ang masterminds sa pagkidnap sa bata.

Ngunit noong July 2006, pinayagang makapagpiyansa si Dennis ng halagang P500,000 para makalabas ng kulungan.

Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pagdinig sa kidnapping case laban sa aktor, at noon ngang 2014 ay nahatulan siyang guilty.

Pagpapatuloy ni Marco, “Nung bumalik siya [sa kulungan] three years ago, I was twenty [years old]. So, kumbaga, nag-iba na.

“Mas mature na ako, mas open-minded na ako sa mga nangyari, so mas naging positive na ako.

“It pushed me to become a better person, a better actor.

“Naging seryoso na ako sa buhay at mas naging focused ako sa work.”

Isang malaking leksiyon daw sa pamilya nila ang nangyari sa ama.

Saad ni Marco, “As a person, mas papalakasin ka talaga ng mga ganyang situation.

“Pero nung bata ako, kapag may nang-asar sa akin, inaaway ko agad.

"Kasi, siyempre defense mechanism yun ng lalaki, di ba?

“Ang dami talagang nang-aasar, kaya nga nag-aral ako ng martial arts para may defense ako sa sarili ko."

A GOOD TURN FOR THE FAMILY. Dagdag ni Marco, “Pero one thing naman sa nangyari, yung family talaga namin, solid ngayon.

“Kung siguro, kung nagtuluy-tuloy yung noon, who knows, baka separated ang parents namin, di ba?

“Everyone knows naman before that my dad was chickboy, babaero.

“Kaya nga siya napasama sa kasong 'yan dahil sa kabit niya, di ba?

“So, para sa akin, it actually became a blessing.

“Kasi, for other people, it would look like devastating, kasi nga nakulong.

“Pero para sa family namin, nung nakulong siya, naging pastor siya, naging Born Again Christians kami—dun naging solid ang family namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FROM STAR MAGIC TO VAA. Ayon pa kay Marco, ang kanyang ama ang naging daan para makalipat siya mula Star Magic papuntang Viva Artists Agency (VAA).

“Well, actually, it was a family decision talaga.

“Yung dad ko ang nakipag-usap kay Boss Vic [del Rosario, Viva big boss], at siya ang nag-ayos ng paglipat namin.

“Siya rin ang nagsabi sa amin na we're not getting any younger, we might as well try other options tungkol sa aming career. So, yun.”


Stories We Are Tracking

Dennis Roldan guilty of kidnapping Fil-Chi boy in 2005</p&
Dennis Roldan guilty of kidnapping Fil-Chi boy in 2005
<p>Michele, Marco stand by their father Dennis Roldan</p>

Michele, Marco stand by their father Dennis Roldan

<p>Michelle Gumabao still proud of dad Dennis Roldan</p>

Michelle Gumabao still proud of dad Dennis Roldan

Michele Gumabao reveals surgery of dad Dennis Roldan
Michele Gumabao reveals surgery of dad Dennis Roldan


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN