Sharon Cuneta on marriage to Sen. Kiko Pangilinan: "Existing."

IMAGE Allan Sancon

Sharon Cuneta was asked the state of her heart. Her answer was, "It's nobody's fault. It's not Kiko's fault," referring to her husband, Sen. Kiko Pangilinan. Earlier this week, the Megastar reveals she is sad. 


Nagsalita si Sharon Cuneta tungkol sa pagsasama nila ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan at sa lagay ng kanyang puso sa guest appearance niya sa Tonight With Boy Abunda, Martes ng gabi, September 5.

Sa “Fast Talk” segment ng late-night talk show ng ABS-CBN, tinanong ng host na si Boy Abunda ang Megastar na ilarawan ang pagsasama nila ng kanyang asawa sa isang salita.

“Existing,” sagot ni Sharon.

“[The] last time I slept with him was last night.

"Slept, did not do anything," na ang ibig sabihin ay hindi sila nagsiping.

“And last time I checked, which is today, he was at home, so we’re still together.”

Paano niya ilalarawan ang lagay ng kanyang puso sa isang salita?

Ngumiti lamang si Sharon at pinipigilang tumawa.

Sundot niya, “It’s nobody’s fault. It’s not Kiko’s fault.”

Paliwanag ng actress-singer, “My heart has been so battered over the years.

"Now all you have to do is to put it on real butter and fry it and leave it."

MEGASTAR ON CHEATERS. Sa isang punto ng “Fast Talk,” tinanong ni Boy si Sharon: “Do cheaters deserve a second chance?”

Tugon niya, “Depends on the cheater, but mostly, yes.”

Sino ang huli niyang pinagselosan?

“Wala, di ko maalala,” mabilis niyang sagot.

Tinanong din ni Boy kung sino ang kanyang greatest love.

Bumuntong-hininga ang Megastar, at ngumiti.

“You might not know him!” sabay tawa niya.

“I’m just joking. I’m playing with you. Never mind,” bawi niya.

Nauna nang sinabi ni Sharon sa press conference ng kanyang pelikulang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha noong Lunes, September 4, na mayroon siyang pinagdadaanan ngayon, subalit tumanggi siyang sabihin ang tunay na dahilan.

Sa guest appearance naman niya sa ASAP noong Linggo, naiyak si Sharon sa kanyang performance.

Nang tanungin kung bakit siya napaiyak, sinabi niyang nagro-rollercoaster ang kanyang emosyon at marami siyang pinagdadaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin nagdetalye ang aktres kung ano ang mga pinagdadaanan niya. 


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta admits feeling sad; refuses to reveal why
Sharon Cuneta admits feeling sad; refuses to reveal why
Sharon Cuneta hints at emotional and physical stress
Sharon Cuneta hints at emotional and physical stress


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN