Bulacan Vice Governor Daniel Fernando reaches out to political opponent Phillip Salvador

IMAGE Noel Orsal

Bulacan Vice Governor Daniel Fernando (left) says he's willing to help Phillip Salvador (right) with his political aspiration, if he wants it. He offers, "Tutulong ako. Ipakita natin sa industriya na ang mga artista ay nagkakaisa."


May mensahe si Daniel Fernando kay Phillip Salvador bilang mga artista silang nasa mundo rin ng pulitika.

Kaugnay ito sa nabigong pagtakbo ni Phillip noong 2016 elections bilang bise gobernador sa lalawigan Bulacan, kalaban ang incumbent vice governor na si Daniel.

Huling termino na ito ni Daniel, at kung gugustuhin daw ni Phillip na tumakbong muli sa Bulacan bilang vice governor ay tutulungan niya ito.

Pahayag ng Bulacan vice governor, “Yes, of course!

"Noon pa man gusto ko siyang tulungan, kung lumapit talaga siya.

“Maraming mababakanteng Bokal [board member], marami, tapos last term na ako.

“Ang ano ko lang… Kuya Ipe, puwede ka namang mag-vice gov, pero para sa akin, mag-Bokal ka.

“Mag-Bokal muna siya para malaman niya kung ano yung kalakaran talaga ng lehislatura.”

Patuloy na mensahe ni Daniel kay Phillip, “Willing akong magkatulungan tayo.

“Kung gusto mo talagang makatulong sa ating mga kababayan, sa ating mga kababayang Bulakenyo, sa ating mga kapwa Pilipino, nakahanda ako rito para sa ‘yo.

“‘Tutulong ako sa ‘yo, susuporta ako sa ‘yo… ang gusto ko lang dapat mag-usap tayo, tayong dalawa lang.

“Yung bilang kapatid sa industriya, dapat tayong dalawa yung magkaroon ng tulungan, pagkakaisa.

“Ipakita natin sa industriya na ang mga artista ay nagkakaisa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel sa graduation ng participants sa isang livelihood training program na proyekto ng Damayang Filipino Movement Inc., sa Malolos, Bulacan, noong Setyembre 5.

Ang proyekto ay sa pamamahala ni Governor Wilhelmino Sy-Alvarado at ni Daniel.

HURT. Huli raw nakausap ni Daniel si Phillip noon pang 2016 sa isang debate bago ang eleksyon.

“Pagkatapos nun, hindi na kami nagkita ulit.”

Aminado si Daniel na nasaktan siya na kinalaban siya ni Phillip sa pulitika.

Aniya, “Unang-una, nung nalaman kong siya, e, kakandidato dito, sabi ko, 'Bakit sa sarili ko?'

“Nasaktan ako dahil kapwa ko artista, kuya ko, member kami ng KAPP, bakit kami naglaban? Bakit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dating tinuturuan niya ako in acting, ang tawag niya sa akin ay kapatid, biglang nagkaganun.

“Hindi ko gustong magkalaban kami nung eleksyon, hindi ko gusto na magkaroon ng paglalaban sa isang halalan.

“Ganun daw ang pulitika pero, para sa akin, puwede namang ayusin ‘yan, e.

“So, ginawa ko yung paraan para maayos kami… makausap siya, pero hindi nag-prosper.

“Kasi hindi yata nakausap yung ibang artistang nakausap ko.

“So, hinihintay ko siyang lumapit at dumating sa opisina ko.

"May offer talaga kami sa kanya kung talagang gusto niyang maglingkod."

Posisyon ng board member daw sana ang iaalok nila ni Governor Alvarado kay Phillip.

Paliwanag ni Daniel, “Kasi ako, nagsimula sa ibaba, bilang SK [Sangguniang Kabataan].

"Kung talagang maglilingkod siya, tutulungan naman namin siya ni Gov."

Alam ba ni Phillip ang balak nila ni Gov Alvarado para sa kanya?

Tugon ni Daniel, “Pinarating namin sa kanya pero… ako pa ba ang lalapit kay Kuya Ipe, e, ako ang nakaupo at ako ang tagarito?

“Dapat pinuntahan niya ako, kung ano ang maitutulong ko sa kanya, ako yung tagarito, e.

“Karapatan naman ng kahit sinong tao na pumaimbulog sa pulitika pero… kasi ugali ko, hindi ako nanagasa ng tao.

“Tatanungin ko muna kung puwede ba ako diyan o ano ba ako diyan, pero siyempre karapatan naman ni Kuya Ipe iyon.”

Baka nahihiya si Phillip na lumapit sa kanya?

“Hindi… sa pulitika kasi kinakailangan, parang ano 'yan, e, equity of the incumbent!” at tumawa si Daniel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN