Teejay Marquez denies nose job rumors: "Salamat sa pagbibinata."

IMAGE Arniel Serato

Itinanggi ni Teejay Marquez na nagpaayos siya ng kanyang ilong. Pagpapa-derma lang daw ang sikreto ng kanyang "improved looks."


Sa pocket press conference ni Teejay Marquez noong August 30, Miyerkules, naging usap-usapan ang diumano’y pagiging “prominent” ng kanyang ilong.

Iba raw ang pagkatangos nito na lalong nagpaguwapo sa kanyang mukha.

Kaya may curious malaman kung nagpa-enhance o nagparetoke ba siya ng ilong?

Sagot ni Teejay, “Hindi, meron lamang po akong derma clinic, pero hindi naman po.

"Meron lang po akong derma, kumbaga naalagan lamang po ako ng specialists nila.”

Pero siya ba ay maaari ring magparetoke?

Aniya, “Hindi naman po, pero kapag meron, puwede naman.”

Ngunit diin niya, dala lang ng kanyang pagbibinata ang pag-i-improve ng kanyang hitsura.

Sabi ng 23-year-old actor, “Hindi ba puwede nagbinata? Nagbinata na lang. Salamat sa pagbibinata.”

THEN AND NOW. Matagal nang nasubaybayan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang karera ni Teejay.

Una siyang nakilala sa Walang Tulugan With The Master Showman ng yumaong German Moreno sa GMA Network noong 2011.

Kasunod nito ang pagiging bahagi niya ng Tween Hearts ng Kapuso network.

Noong 2012, inilunsad siya sa pelikula sa pamamagitan ng Pagari.

Sa presscon ng pelikula noong October 2012, ganito ang hitsura ni Teejay:


Noong 2015, sumikat nang husto si Teejay, hindi sa Pilipinas, kundi sa Indonesia.

Noong nagbakasyon siya sa bansa nitong April 2016 ay nakausap muli siya ng PEP.ph:


Kasunod nito ang pagpirma niya sa Regal Entertainment bilang Regal Millennial Baby nitong August 30, 2017.


Sa simpleng pagsusuri ng kanyang mga larawan, may pagbabago ba sa kanyang ilong, PEPsters?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN