Winwyn Marquez defends pageant title from bashers: "Don't belittle the crown."

IMAGE Instagram

Winwyn Marquez defends her title from detractors. "[I]nstead of questioning everything magtulungan na lang tayo para makita ng lahat na BUO ang supporta ng mga Pinoy."


Dinepensahan ni Winwyn Marquez ang kanyang napanalunang korona sa Miss World Philippines 2017.

Sa apat na koronang pinaglabanan sa grand coronation night noong Linggo ng gabi, September 3, nakuha ni Winwyn ang Reina Hispanoamericana-Filipinas title.

Ang kinoronahang bagong Miss World Philippines ay ang courtside reporter na si Laura Lehman.

Nakuha naman ni Cynthia Thomalla ang Miss Eco Philippines title, at si Sophia Senoron ang nag-uwi ng Miss Multinational crown.

Lahat sila ay sasabak sa international beauty pageants.

Ito ang unang pagkakataong may iba pang mga koronang pinaglabanan maliban sa Miss World Philippines.


Stories We Are Tracking

Laura Lehmann is Miss World Philippines 2017
Laura Lehmann is Miss World Philippines 2017

Kaugnay nito, may ilang netizens at pageant enthusiasts ang tila minaliit at nilait ang mga bagong beauty titles na ipinamahagi sa Miss World Philippines 2017.

Kabilang na nga rito ang titulo ni Winwyn bilang kauna-unahang Reina Hispanoamericana-Filipinas.

Sa kanyang Instagram kagabi (September 5), isang mahabang mensahe ang ipinarating ni Winwyn kaugnay ng kanyang korona. 

Pahayag ng aktres, “please do not belittle the title just because you don't know anything about it or dahil ngayon niyo lang narinig and nag ququestion bakit tayo kasali etc.

“please try do a little research and try to be open minded bago mag criticize ng sobra.”

Ayon pa sa dating Mulawin vs Ravena star, karangalan niyang maging kauna-unahang kinatawan ng Pilipinas sa international beauty pageant na gaganapin sa Bolivia bago matapos ang 2017.

Saad ni Winwyn, “I am so honored to be the first ever Filipina to join this pageant and i'll be ‘Miss Philippines’ in Bolivia and doon palang winner na ako.

“instead of questioning everything magtulungan nalang tayo para makita ng lahat na BUO ang supporta ng mga pinoy.”

I wish I had a better photo of my crowning moment but i'll settle for this one ???? this moment was so surreal..hindi ko maexplain nararamdaman ko. The only thing that was on my mind was "is this really happening?" ???? I may not have won the top crown but I am still very very happy with my title. I know I was placed here for a reason. :) though alam ko mahirap ang sasalihan ko and I only have a little time to prepare kakayanin padin! Thank you sa lahat ng naniwala my aces & queens family who guided and trained me so hard i love you guys so much, Francis Libiran who made my gorgeous gown, Pong and Renz for always making me look like a queen, my alma maters San Beda College Alabang and SISC for all the support, my Miss World sisters for making my journey so memorable sobrang mahal ko kayo girls tanggap ko na, na ako na nga talaga ate niyo ????, my loved ones (mark, my siblings and my friends) who always pushed me to follow my dreams and to never give up and ofcourse to my parents you two made me who I am today..you guys kept me grounded. They dont know how much you sacrificed for us and this is one way I can say thank you sainyo. My Diploma, Teaching Certificate and now my Crown is for you mama and daddy. ?? Para sa mga pinagdaanan niyo and para sa pagpapalaki saamin ng maayos. • • also, please do not belittle the title just because you don't know anything about it or dahil ngayon niyo lang narinig and nag ququestion bakit tayo kasali etc.. please try do a little research and try to be open minded bago mag criticize ng sobra. ?? I am so honored to be the first ever Filipina to join this pageant and i'll be "Miss Philippines" in Bolivia and doon palang winner na ako. ?? instead of questioning everything magtulungan nalang tayo para makita ng lahat na BUO ang supporta ng mga pinoy ????????????

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@wynmarquez) on

REINA HISPANOAMERICAN PAGEANT. Ang Reina Hispanoamericana ay isang annual international beauty pageant na sinasalihan ng mga kandidatang may lahing Spanish.

Mula noong 1991 hanggang 2003, limitado lamang sa 10 kandidata mula South America ang kasali rito.

Tinawag itong Reina Sudamericana o South American Queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagdating ng 2004 at sa mga sumunod pang taon, dumagdag nang dumagdag ang bilang ng mga bansang nagpapadala ng kandidata para sumali sa pageant.

Noong 2007, pinalitan ang titulo ng pageant sa Reina Hispanoamericana.

Ang Pilipinas ang pinakabagong dagdag sa listahan ng mga bansang nagpapadala ng kandidata.

Ito ay dahil naging Spanish colony ang Pilipinas sa loob ng tatlong siglo at malaking bahagi ng kultura ng mga Pilipino ay may impluwensiya ng Kastila.

Kabilang sa mga sumali sa Reina Hispanoamericana 2016 ay si Raquel Pelissier ng Haiti, na 1st runner-up sa Miss Universe 2016 pageant na ginanap sa Pilipinas nitong Enero.

Sa comment section, sinagot ni Winwyn ang isang netizen na nagsasabing may mga Latina umanong kinukuwestiyon ang pagsali ng Pilipinas sa pageant.

Sagot ng aktres, hindi magiging madali ang kanyang paghahanda dahil mayroon na lamang siyang isang buwan para magsanay.

Ngayong taon din daw ay sasali ang Australia.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN