Joshua Garcia gets message from Julia Barretto after winning New Movie Actor of the Year

IMAGE Glen Sibonga

Joshua Garcia on being asked about real score with Julia Barretto: "Actually, yung sa akin, hindi ko naman sila masisisi magtanong, kasi iba rin naman yung ipinapakita naming dalawa, e. Hindi naman siya yung normal na sabihin nating friend lang, ganun. Hindi naman ako nakukulitan. Siguro may tamang timing lang ng pagtatanong."


Inamin ni Joshua Garcia na kabilang ang nililigawan niyang si Julia Barretto sa mga unang bumati sa kanyang pagkapanalo bilang New Movie Actor of the Year sa nakaraang 33rd Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Nagwagi si Joshua para sa performance niya sa pelikulang Vince and Kath and James, kung saan kasama niya sa cast sina Julia at Ronnie Alonte.

“Actually, nabalitaan niya lang sa social media. So, siya na mismo yung nag-text.

“Tapos nakita ko na lang nag-post na rin siya.

“Siya yung pinakauna sa mga bumati sa akin, kinongrats niya ako,” sabi ni Joshua.

Ano ang sinabi sa kanya ni Julia?

“Proud daw siya sa akin na nanalo ako ng award.

“Sabi niya pa, iyon lang daw yung simula, mas marami ka pang makukuha.”

Ano naman ang response niya sa pagbati ni Julia?

“Nag-thank you ako sa kanya na kinongratulate niya ako.”

Bukod sa pagbati sa kanya ay pumunta pa si Julia sa mini-victory party ni Joshua sa bahay ng aktor.

“Pagkagaling ko sa PMPC Star Awards, may kainang konti sa bahay, may pizza, may konting salu-salo.

“Ayun, nandoon siya,” banggit ng binata.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joshua sa special block screening ng bagong pelikula nila ni Julia, ang Love You To The Stars And Back, na ginanap sa VIP Cinema ng Fishermall sa Quezon City, Martes ng gabi, September 5.

Ang naturang block screening ay sponsored by BNY Jeans, na iniendorso ni Joshua.

Hindi naman nakadalo sa block screening si Julia.

Paliwanag ni Joshua, “Ngayon nasa taping siya ng A Love To Last, e, hindi ko siya makakasama.

“In-invite ko siya dito pero may taping nga siya.”

IS BEST ACTOR NEXT? Hanggang ngayon ay on a high pa rin si Joshua sa nakuha niyang award sa Star Awards for Movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Thank you, sobrang overwhelmed ako.

“Masaya ang puso ko na nakilala nila ako bilang aktor sa pelikula.”

Bukod sa kasiyahan sa kanyang award, masaya rin si Joshua dahil as of September 5 ay kumita na ng mahigit sa P60 million ang Love You To The Stars And Back, base sa pigurang inilabas ng Star Cinema.

Nagpapasalamat ang young actor sa positive reviews at feedback para sa kanilang pelikula.

Nagbunga raw lahat ng hirap at pagod nila para pagandahin ang pelikula nila ni Julia na idinirehe ni Antoinette Jadaone.

Marami rin ang pumupuri at humahanga sa ipinakita niyang acting sa naturang pelikula.

Kung New Movie Actor daw ang nakuha niyang award sa PMPC, posibleng Movie Actor of the Year o Best Actor na ang susunod para sa Love You To The Stars And Back.

Ano ang masasabi niya rito?

Ayon kay Joshua, “Tingnan natin.

“Kung makakuha ako ng award diyan, ang saya ko.

“Hindi lang ako, e, buong team, kasi hindi lang ako yung may ginawang magaling doon, e.

“Parang lahat kami nagtulong-tulong para mapaganda yung pelikula.”

STILL COURTING JULIA. Hindi pa ba siya sinasagot ni Julia bilang premyo sa pagkapanalo niya ng award?

“Hindi pa, e. Isang ‘O’ pa lang yung natatanggap ko, e.

“Wala pa, hinihintay ko pa yung isa!” biro niya sabay tawa nang malakas.

So, tuluy-tuloy lang ang panliligaw niya?

“Oo, handa naman akong maghintay,” sagot ni Joshua.

Hindi ba sila nakukulitan ni Julia sa pagtatanong sa kanila ng reporters, talk shows, at maging ng fans tungkol sa relationship nila?

“Actually, yung sa akin, hindi ko naman sila masisisi magtanong, kasi iba rin naman yung ipinapakita naming dalawa, e.

“Hindi naman siya yung normal na sabihin nating friend lang, ganun.

“Hindi naman ako nakukulitan. Siguro may tamang timing lang ng pagtatanong.

“Kasi sa ngayon, ang gusto kong mapag-usapan yung pelikula, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto kong ma-showcase talaga yung pelikula kasi grabe yung ginawa ni Direk Tonette sa pelikula.

“Ito yung masasabi mong ang ganda talaga,” saad ni Joshua.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN