Barbie Forteza gives thumbs-up to rumored boyfriend Jak Roberto's sexy pictorial

IMAGE Instagram @barbaraforteza / Reielle Deslate

Suportado ni Barbie Forteza ang pagkakapili sa rumored boyfriend niyang si Jak Roberto bilang isa sa Top 10 Cosmo Bachelor Centerfolds ng Cosmopolitan Magazine ngayong taon. 


Aprubado ni Barbie Forteza ang sexy pictorial ng rumored boyfriend niyang si Jak Roberto.

Kabilang ang Kapuso hunk sa 69 Cosmo Bachelors ng Cosmopolitan Magazine ngayong 2017.

Sa kanyang Instagram story kagabi, September 5, ibinahagi ng Kapuso actress ang kopya ng magazine kung saan makikita ang six-pack abs ni Jak.

Todo ang pagkakangiti ni Barbie sa kanyang signed copy ng magazine, at tila proud ang aktres sa pagkakapili kay Jak bilang isa sa Top 10 Cosmo Bachelor Centerfolds. 


Bukod dito, kapansin-pansin ang pag-comment ni Barbie at ng kanyang kapatid na si Garbielle Vierneza sa Instagram post ni Jak ngayong araw, September 6. 

Larawan itong kuha sa guest appearance ni Jak at kapatid nitong si Sanya Lopez sa GMA News TV late-night show na Tonight With Arnold Clavio.

Tonight with Arnold Claivo 10:30pm GMA News ch 11

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

Hirit ni Gabrielle, “Next na tayo?”


Sagot ni Barbie, “Hinde, solo ka lang daw.”


BLOOMING ROMANCE? Naging usap-usapan ang tungkol sa pagkakamabutihan nina Barbie at Jak matapos i-post ng aktres sa Instagram ang sorpresang red roses na bigay sa kanya ng binata.

Nasundan ito ng makahulugang Instagram post ni Barbie na “Monay at Pandesal sana magtagal.”

Pinaniniwalaang ang tinutukoy ni Barbie na “Monay” ay ang sarili dahil sa hugis ng kanyang mukha.

Ang “Pandesal” naman ay si Jak dahil sa bansag sa Kapuso actor na “Pambansang Abs.”

Gayunman, walang direktang pag-amin mula kina Barbie at Jak kung anuman ang estado ng relasyon nila ngayon. 


Stories We Are Tracking

Barbie Forteza confirms relationship with Jak Roberto
Barbie Forteza confirms relationship with Jak Roberto
Are Barbie Forteza and Jak Roberto in a relationship?
Are Barbie Forteza and Jak Roberto in a relationship?
Jak Roberto echoes Barbie Forteza's wish:
Jak Roberto echoes Barbie Forteza's wish: "Sana magtagal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN