Derrick Monasterio makes no excuses for being himself

IMAGE Rose Garcia

He's been bashed for telling it like is, and for Derrick Monasterio, that's just the way he is. He asserts, "Dapat kilalanin muna nila ako bago mag-judge."


Aminado si Derrick Monasterio na minsan ay nami-misinterpret ang kanyang kilos o nabibitawan niyang salita.

Kamakailan lang kasi ay na-bash ng netizens ang Kapuso actor dahil sa sinasabing wrong choice of words niya.

“Feeling ko nga po maraming nayayabangan sa akin kasi ganun akong magsalita,” sabi ni Derrick nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng primetime series na Mulawin vs Ravena.

Kaya raw minsan ay gusto niyang baguhin ang kanyang personalidad.

“Tina-try ko pong baguhin.

"Pero hindi ko kaya, parang may masasabi pa rin po ako na ikakasama ng loob ng iba.

“Pero at least, maalala nila ako, yun na lang, yun na lang yun!” natawang biro ni Derrick.
 
Nasisiguro naman daw ni Derrick na yung nakakakilala sa kanya ay hindi magkakaroon ng negatibong impresiyon.

Saad niya, “Kung kilala niyo po ako, hindi, kaya sabi ko nga po, dapat kilalanin muna nila ako bago mag-judge. 

“Ganun na po ang mga tao ngayon, judgmental na po tayo.

“Ipinanganak tayong ganun, lalo na ang mga Filipino. 

“Siguro ang maa-advice ko lang po, humanap tayo ng pagkakaabalahang bagay, hindi lang yung mang-bash.

“Kasi kawawa rin ang mga artista, hindi lang naman sa akin, pati na rin sa iba.”
 
LOOKING UP TO DENNIS. Magtatapos na ang Mulawin vs. Ravena sa September 15. 

Marami raw natutunan si Derrick kay Dennis Trillo, na siyang gumaganap bilang ama niya rito.

Ayon kay Derrick, “Si Kuya Dennis kasi yung tao na sobrang tahimik lang, sobrang veteran. 

“Alam niya kung saan yung camera lagi, alam niya kung kailan siya magre-react, kailan yung tamang bagsak ng luha.

“Kapag pinanood mo siya, parang mamamangha ka na lang, wow, para siyang gumagawa ng masterpiece, ganun.”

May mga balitang huling pagtatambal na nila ito ni Bea Binene bilang magka-love team.

Sabi naman ni Derrick, “Hindi ko po alam, e. Hindi ko po alam kung ano ang plano ng network sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But one thing I’m sure, inaalagaan po nila kami.”

Sabi pa niya, “Siyempre, gusto ko na kami pa rin para hindi na ako mag-adjust sa ibang love team. 

“Hindi ko po alam. Kung ano po ang mga naririnig niyo, baka yun na po yun.”

Marami raw mami-miss si Derrick sa Mulawin vs. Ravena.

“Siyempre, mami-miss po namin ang character namin.

“Sa tanang buhay ko, naranasan ko pong maging hari… iba ang dating ng isang hari.

“Command-command ka, feel na feel ko po!” natatawa niyang sabi.

DEFERRING TO ALDEN. Plano raw ni Derrick na mag-focus sa kanyang singing career pagkatapos ng Mulawin vs Ravena.

“Gusto kong mag-compose ng mga sarili kong kanta…mag-concert sana kung papalarin,” sabi niya.

Pero may posibilidad daw na baka gawan ng adaptation ng GMA-7 ang Descendants of the Sun, tulad ng ginawa sa My Love from the Stars.

Pero mabilis na sabi ni Derrick, “Feeling ko po, hindi ko makukuha yun. 

“Si Alden [Richards] na po yun, mas deserving po siya run.”

Si Alden lang ba ang puwedeng gumanap sa ginampanang role ng Korean actor na si Song Joong Ki?

“Gusto ko, siyempre po, pero parang sobrang laki ng project po na yun para sa akin. 

“Isa yun sa pinakapumatok na koreanovela, tapos yung bida run, puro mga lalaki.

“Feeling ko, hindi ko deserve, pero kung ibibigay po sa akin, gagalingan ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN