Heart Evangelista tells husband Sen. Chiz Escudero: "Magselos ka naman!"

IMAGE Noel Orsal

Heart Evangelista relates how supportive husband Senator Chiz Escudero is. She also says the senator gives her advice when it comes to her finances, but is not one to meddle with her love for shopping.


Maraming kilig moments si Heart Evangelista at ang Korean leading man niyang si Alexander Lee sa Kapuso primetime series na My Korean Jagiya.

Hindi ba nagseselos ang asawa ni Heart na si Senator Chiz Escudero sa romantic scenes nila ni Alexander sa show?

“Hindi, zero!” tugon ng aktres.

“He’s so… I think it’s because he’s mature, he’s so secure about himself, parang…

“Actually, even before, yung mga damit na revealing? Mas ano pa nga siya, parang supportive talaga siya.”

Kahit daw sa kissing scenes ay hindi nagbabawal si Senator Chiz kay Heart.

“Wala talaga siya, as in zero!

"Minsan sabi ko, ‘Magselos ka naman!’

“Hindi talaga siya [nagseselos], he’s not the type.

“I think he’s secure, yeah!” pahayag ng aktres.

Kahit daw ang production team ng My Korean Jagiya ay hanga kay Senator Chiz.

Kuwento ni Heart, “Nung naka-bonding nila si Chiz, sabi nila, ‘You know, in fairness, suwerte ka for an artista, kasi bihira lang yung meron kang non-showbiz na asawa who will be that okay with, you know.’"

This Sunday...just spending time with you after a long week. ??

A post shared by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa taping ng My Korean Jagiya sa Antipolo City, kahapon, September 6.

MONEY MATTERS. Wala bang anumang pagbabawal sa kanya ang mister niya?

Sagot ni Heart, “Inaano lang niya ako, like, kung saan siya strict would be like he helps me…

“I mean, I hold my money, but he helps me, like, budget it."

Aminado si Heart na mahilig siyang mag-shopping.

Paliwanag niya, “Medyo, a bit.

"I think it’s because I know that I’m gonna have to get pregnant soon, so parang feeling ko, I’m panicking na.

“That’s why I’m buying myself things kasi alam ko pag nagkaanak ako it will change.”

Pero hindi naman ba siya pinagbabawalan mag-shopping ng senador?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I think that’s the ano but, like, kunwari, like, every end of the year, he’d say, ‘So did you reach your goal this year, were you able to save this, ganyan?’

“Ganun lang siya, concerned.

“Or kunwari whenever I go to Paris he would say, ‘When are you gonna go to Paris this year? You have to buy your tickets early and check,’” dagdag ni Heart.

Mas mura kasi ang plane tickets kapag maaga itong binili.

“O kaya pag kunyari may promo tickets, sasabihin niya sa akin, ‘Darling, may promo ticket, ayusin mo na.’”

So, okay lang sa kanya ang mga promo airfares?

“Oo naman!" mabilis niyang tugon.

"It’s still business class, but it’s fifty percent off.

“But you have to buy it in advance.”

Ganun din ba si Heart kay Senator Chiz?

“No. Kasi, well, meron naman kaming prenup, e.

“So, I mean, kung anuman yung ano niya, siyempre he has kids, I mean, ayokong makialam.”

Inaabisuhan ba niya ang asawa tungkol sa finances nito?

“A, hindi. Kasi hindi naman siya masyadong ano, ako lang ang naman, e.”

“Actually, his family is very simple.”

Kahit daw sa usaping pagkakaroon ng anak ay understanding at supportive ang asawa.

Patuloy ni Heart, “Like, kunwari I said, so if I get pregnant next year, sabi ko, ‘How is that, like, my income siyempre, you know, I have to plan my life?’ ganyan-ganyan.

“'Well, that’s up to you, what do you wanna prioritize? Do you wanna have a baby now or you wanna hold it?’ May ganun siya, e.”

Never daw siyang binigyan ng pressure ng asawa niya.

“Sabi niya, ‘But, you know, I’m just worried that if you don’t do it now, kasi ako, sa totoo lang, ako, okay na ako, meron akong dalawang anak, okay naman tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘I’m just worried that if you don’t do it now, parang you might miss that chance that you’ll really enjoy your baby,’ ganyan.

“Sabi niya, ‘Ikaw you want to travel, you wanna bring your baby with you, so it’s up to you, that’s why hinay-hinay ka sa gastos.’”

PRACTICING MOTHERHOOD. May dalawang anak si Senator Chiz sa una niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores: ang 10-year-old twins na sina Chesi and Quino, na parehong malapit kay Heart.

Sa katunayan, kina Heart nakatira ang mga bata.

Kapag nagkaanak na sila ni Senator Chiz, hindi ba mahahati ang atensiyon niya sa pagitan ng baby nila at sa kambal?

Tugon ni Heart, “Meron naman silang mga yaya, but, I mean, in the beginning, I must admit it was hard, siyempre.

“Especially when they lived na with me.

“Of course, it’s hard. Like, I didn’t know naman anything, di ba?

“I mean, I’m still learning to be a wife, I’m still learning, so it was hard.

“But in fairness, sobrang ang bait nila!”

Nakapag-adjust na raw si Heart from a single woman to being a wife and a stepmother.

“Hindi ko na nga nararamdaman, e.

“Dati kasi, parang pag may tumatakbo, parang natataranta ako… di ba?

“They’re so well-behaved,” aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN