"Miss Q & A" contestant Jennifer Collins to undergo another leg surgery

IMAGE Courtesy: Jennifer Collins / Jam Arenas on Facebook

Nakatakdang sumailalim sa isa pang operasyon ang "Miss Q & A" contestant na si Jennifer Collins. Ayon sa isang kaibigan, may taga-ABS-CBN na nakipag-ugnayan sa kanila upang tulungan sila sa gastusin. 


Sasailalim na naman sa panibagong operasyon ang "Miss Q & A" contestant na si Jeniffer Collins, o Jayson Jiz de Ortega sa totoong buhay.

Si Jennifer ay naging daily winner sa pakontes ng It’s Showtime na "Miss Q & A" noong August 16.

Nasangkot siya sa isang road accident sa San Jose del Monte, Bulacan, noong August 30.

Sa kasamaang-palad, nabunggo ng isang rumaragasang jeep ang sinasakyang traysikel ni Jennifer, na nagdulot ng malubhang kapahamakan sa kanya.

Sumailalim siya sa operasyon at kinailangang putulin ang kanyang kanang binti.

Nitong nakaraang Lunes, September 4, nanawagan ng tulong pinansiyal ang kaibigan ni Jennifer na si Jam Arenas sa Facebook.

Inilathala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panawagan niyang ito para sa kaibigan.


Stories We Are Tracking

"Miss Q & A" contestant loses leg in road accident

Ayon sa mensaheng ipinadala ni Jam sa PEP.ph ngayong Huwebes, Setyembre 7, bagamat mas maayos na ang kalagayan ngayon ni Jennifer, kailangan daw nitong sumailalim sa isa pang operasyon.

May ilang tao na rin daw na nagpaabot ng tulong kay Jennifer.

Pahayag ni Jam, “Ooperahan na daw po yung left leg niya para lagyan ng bakal.

“So far, may mga taga-ABS-CBN na daw po ang nagpunta dun sa PGH, kung saan siya naka-confine.

“Yung isang sementado [left leg] po ang babakalan.

“Yung isa po, siguro kapag may nag-donate or sapat na pong pondo para sa pagpapakabit nun.”

Ang tinutukoy ni Jam ay ang pagpapakabit ng artificial leg para sa naputol na kanang binti ni Jennifer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN