Are Jinri Park and David Kim dating?

IMAGE @kim_jungwook1004 on Instagram

"David likes sexy girls—tall, sexy, femme fatale," says Alexander Lee on why he and Heart Evangelista teasingly pair up David with Jinri Park.


Dahil madalas niyang nakakasama, tinanong namin si Heart Evangelista kung totoong may relasyon sina Jinri Park at David Kim, ang mga Korean co-stars niya sa My Korean Jagiya.

“Niloloko ko lang sila,” tumatawang bulalas ni Heart.

Napabalita kasi na may relasyon raw ang dalawa na nabuo sa set ng naturang GMA series.

“Talaga? Oh my God!

“Niloloko lang sila. Kulit ako nang kulit sa kanila.”

Pareho namang single sina Jinri at David.

“Iyon ang sinasabi ko, e!” wika ni Heart.

“Kaya nga, e. Kaya niloloko ko sila, ‘O ano, date na kayo!’

“Binibiro ko sila.”

Pero wala na sa Pilipinas si David. Bumalik na ito sa Korea dahil namatay na ang character niyang si Kim Jin-hu sa series. Pero babalik din daw ito sa bansa.

Bibiruin ba ulit ni Heart na mag-date sina David at Jinri?

“Why not?

“Lahat yata sila hinahanapan ko ng mga girlfriend, e,” sagot ng aktres.

DAVID'S TYPE. Tinanong din namin si Alexander Lee, and leading man ni Heart sa serye, kung may namamagitan nga ba kina David at Jinri.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Heart at Alexander sa set ng kanilang palabas noong September 6, sa Antipolo City.

Ayon kay Alexander, “Not really.

“We just like teasing them.

“David likes sexy girls—tall, sexy, femme fatale, you know so…

“Jinri fits into that category so we always tease him and say, ‘Look at Jinri… wohoo!’”

Bakit hindi niligawan ni David si Jinri?

“Because he is patay,” ang tumatawang bulalas ni Alexander.

Bibisitahin kaya ni David si Jinri kung sakaling siya ay bumalik ng Pilipinas?

“Oh I don’t know…” sagot ni Alexander.

“Maybe! It depends on him but yeah.

“I mean, I think he really wants to come back here.

“He enjoyed a lot in the Philippines, and working here, the environment is so good.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN