Joshua Garcia gets thumbs up from Julia Barretto's mom Marjorie

IMAGE Allan Sancon

"Mas lalo akong ginanahan na alagaan ang kaniyang anak," Joshua Garcia says after learning of Marjorie Barretto's comment about him. Marjorie is the mom of Joshua's on-screen partner Julia Barretto, whom he is courting.


Ang isa sa nagpapalakas ng loob ngayon kay Joshua Garcia upang ituloy ang panliligaw sa on-screen partner na si Julia Barretto ay ang mga sinabi ng ina ng dalaga, na si Marjorie Barretto.

Nangyari ito sa presscon ng pelikulang Love You To The Stars And Back.

Ayon kay Marjorie, walang problema sa kanya si Joshua dahil mabait ito at makapamilya.

Susuportahan din daw niya kung anuman ang makakapagpaligaya sa anak.


Stories We Are Tracking

Marjorie Barretto says Joshua brings out the best in Julia
Marjorie Barretto says Joshua brings out the best in Julia

Pahayag ni Joshua, na abot-langit ang mga ngiti, "Mas lalo akong ginanahan na alagaan ang kanyang anak.

"Nakaka-inspire lang na marinig yung mga sinabi ni Tita [Marjorie]."

More than friends na ba sila ngayon ni Julia?

Natatawang sagot ng binata, "Wala pa, ganun pa rin.

"Isang 'o' pa lang ang natatanggap ko sa kanya!” 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapamilya actor bago magsimula ang block screening ng Love You To The Stars And Back, sa Fishermall VIP Cinema, sa Quezon City, noong September 5.

Ang kanyang BNY family at mga tagahanga ang nag-organisa ng nasabing block screening.

POSITIVE REVIEWS. Natalakay rin sa interview ang magandang pagtanggap ng mga manonood sa nasabing pelikula nila ni Julia.

Pinuri ang pag-arte rito ni Joshua.

Sabi ng Pinoy Big Brother All In alumnus, "Tungkol sa mga feedback and reviews, gusto kong magpasalamat sa magagandang reviews nila sa pelikula, lalo na yung mga na-inspire namin.

"Yung mga natamaan namin sa loob mismo, sobrang thankul ako, kasi nagbunga yung mga pagod at hirap namin sa shooting.

"Sobrang saya ko nga, e, kasi nakikilala nila ako sa larangan ng pag-arte, e.

"Feeling ko nga, yun na lang ang kaya kong gawin, e.

"Yung sayaw, kanta, sa CR lang,” pabirong sabi ni Joshua.

Animado naman si Joshua na kung anuman ang dahilan ng kanyang galing sa pag-arte, yun ay dahil mayroon siyang pinaghuhugutan.

"Yung mga experiences ko sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, yung pagiging in-character mo na rin.

"Kung makakuha man ako ng award diyan, ang saya ko.

"Pero hindi lang ako, kundi buong team, kasi [hindi] lang naman ako ang may ginawang magaling dun, e.

"Lahat kami nagtulung-tulong."

May pressure ba lalo na't katatapos lang niyang tumanggap ng acting award sa 33rd Philippine Movie Press Club Star Awards for Movies bilang Best New Male Movie Actor of the Year?

Tugon niya, "Wala naman. Same pa rin.

"Pero mas ano... kailangan... mas mahirap lang kasing anuhin yung expectations ng mga tao, e.

"Siguro, kailangan lang makita ng tao na merong laging bago sa iyo.

"Pero sa acting, wala naman.

"Masarap sa pakiramdam, sobrang sulit yung pakiramdam.

"Nakatulong talaga si Julia sa pagiging laging nandiyan siya sa tabi ko palagi. Sulit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN