Angel Locsin on Neil Arce's ex-girlfriend Bela Padilla: "Wala kaming isyu."

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza

Nilinaw ni Angel Locsin na hindi isyu sa kanya na patuloy na nakakatrabaho ni Neil Arce ang ex-girlfriend nitong si Bela Padilla. "Silang dalawa, wala silang problema. Kami, wala kaming problema. Si Bela, mabait sa akin," pahayag ni Angel sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Huwebes, September 7.


Pinabulaanan ni Angel Locsin ang espekulasyong tila nag-iiwasan ang ex-couple na sina Neil Arce at Bela Padilla.

Kaugnay ito ng naiulat na nagkailangan sina Neil at Bela nang magkrus ang landas nila sa premiere ng pelikulang Fangirl Fanboy, na ginanap sa SM Megamall Cinema, noong Lunes, September 4.

Nakatanggap ng feed ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na namataang nagpalitan ng “hi” at “hello” ang ex-couple sa bandang dressing room ng SM Megamall Cinema.

Ngunit tumanggi umano si Neil na magpakuha ng litrato kasama ang ex-girlfriend.


Stories We Are Tracking

Ex-couple Bela and Neil cross paths at Julian-Ella premiere
Ex-couple Bela and Neil cross paths at Julian-Ella premiere

Ngayong Huwebes, September 7, nakapanayam ng PEP.ph si Angel pagkatapos ng solo presscon ng aktres para sa pagbabalik niya sa ABS-CBN primetime series na La Luna Sangre.

Dito nilinaw ni Angel na ayaw lang daw ni Neil na mahaluan ng kontrobersiya ang premiere night ng iprinodyus nitong pelikula.

Sabi ng 32-year-old Kapamilya actress, “Hindi siya ganun. Nag-effort siya, kasi siyempre nasa premiere night at producer siya.

“So, parang ang weird naman kung masasapawan niya yung pelikulang ginawa niya ng isyu.

“I’m sure maiintindihan niyo naman yung ganun sa dami niyong na-interview na mga tao.

“Ganun lang yun.”

Ayon kay Angel, hindi isyu para sa kanya na patuloy na nagkakatrabaho sina Neil at Bela.

Ito ay sa kabila ng pag-amin ng La Luna Sangre actress na exclusively dating sila ng film producer at businessman na si Neil.

“Silang dalawa, wala silang problema.

“Kami, wala kaming problema.

“Si Bela, mabait sa akin.

“Sila, maayos naman sila, nagtatrabaho pa sila.”

Isa si Neil sa co-producers ng Luck At First Sight, ang pelikulang iprinodyus ng Viva Films at N2 productions, na pinagtambalan nina Bela at Jericho Rosales noong Marso.

Dagdag ni Angel, suportado niya ang bagong pelikula kung saan muling magkakatrabaho sina Neil at Bela.

Ngunit hindi natukoy ni Angel kung ano ang partikular na pelikulang ito.

Aniya, “In fact, sa pelikula nilang yun, ako pa yung nagbasa ng script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Prinesent ko sa Star Cinema yung script na, ‘Ay, try niyo itong grupong ito, kasi may mga mga maganda silang projects.’

“Nakapasok sila sa Star Cinema. Wala kaming isyu.”  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN