Mocha Uson allowed to perform with Mocha Girls but with restrictions

IMAGE Screengrab from Facebook video of Presidential Communications

"Mocha can still perform if she wishes pero I would discourage her from performing in places like casinos," says Presidential Communications Secretary Martin Andanar about PCOO Asec. Mocha Uson.


Maaari pa ring mag-perform si Mocha Uson kasama ang kanyang all-female group na Mocha Girls, ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar.

Sa isang mensaheng ipinadala niya sa GMA News Online, sinagot ni Andanar ang tanong ng publiko tungkol sa patuloy na pagpe-perform ni PCOO assistant secretary Mocha Uson kasama ang mga miyembro ng Mocha Girls.

Sabi ni Andanar, “Mocha can still perform if she wishes, pero I would discourage her from performing in places like casinos.”

Bago maging bahagi ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, hiniling umano ni Mocha na payagan pa rin siyang gawin ang trabaho bilang performer para sa mga kontratang napirmahan na niya.

Hindi nilinaw ni Andanar kung kabilang dito ang pagpe-perform ni Mocha, kasama ang Mocha Girls, sa Bar 360 ng Resorts World Manila sa Pasay City, sa September 12.


Ito ang dahilan ng panibagong pagkuwestiyon ng publiko sa tungkulin ni Mocha sa gobyerno dahil naging viral ang promotional ad para sa show ng Mocha Girls sa naturang bar.

Nakasaad sa Presidential Decree No. 1067-B (series of 1977) at Presidential Decree No. 1869 (series of 1983) na mariing ipinagbabawal sa mga empleyado ng gobyerno ang pagpunta sa mga casino.

Ganito rin ang naging paalala ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Memorandum Circular No. 6 na inisyu noong September 20, 2016.

Nakasaad dito: “All government officials and employees shall strictly observe and comply with all pertinent laws, issuances and policies prohibiting government personnel to enter, stay or play in gambling casinos.

Inaasahan din ang mga tagapamahala ng government offices na magbigay ng nararapat na parusa at multa sa mga lalabag ng kautusang ito.

Sa ngayon, wala pang anumang hakbang na isinasagawa ang PCOO kaugnay sa isyung ito.

Ngunit sabi ni Andanar sa GMA News, “Anyhow, we are still looking into the matter of Mocha performing inside RW.”

Ang naturang promo ad ay tinanggal na sa website ng Resorts World Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN