Rumored couple John Lloyd Cruz and Ellen Adarna spotted having a good time in Cebu

IMAGE Courtesy: @kimaraneta on Instagram

Action speaks louder than words: John Lloyd Cruz and Ellen Adarna enjoy time together in Cebu as seen in videos gone viral on social media. 


May mga kuha sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na magkasama sa isang resort sa Virgin Island, Sta. Fe, Bantayan, Cebu.

Hindi malinaw kung ngayong araw, September 8, o nitong mga nagdaang araw pa kuha ang video at picture na na-upload sa social media.

Sa Instagram, ibinahagi ng kaibigan ng dalawa na si Kim Araneta ang litrato nina Ellen at John Lloyd kasama ang isang baby.

Wala itong caption.


Sa Instagram stories naman, ipinost ni Kim ang dalawang video kung saan makikita ang dalawa na ini-enjoy ang isang videoke session sa may beachfront.

Sa una, sweet na sweet na kinantahan ng aktor si Ellen ng “Kailan” ng Smokey Mountain.


Courtesy - @kimaraneta ????

A post shared by Arniel C. Serato ????™ (@arnielcserato) on

Isa pang kinanta ni John Lloyd ay ang “High” ng Lighthouse Family.


Courtesy - @kimaraneta ????

A post shared by Arniel C. Serato ????™ (@arnielcserato) on

Sa Instagram naman ng aktres ngayong hapon, September 8, nag-post ito ng dalawang close-up shot ng shades kung saan maaaninag ang reflection ni John Lloyd.


Samantala, makikita naman sa post ng isa pa nilang kaibigan na si Doreen Ting ang ka-sweetan ng dalawa habang nakadapa sa dalampasigan sa beach na kanilang pinagbabakasyunan. 


Matagal nang usap-usapan na may relasyon ang dalawa, na co-stars sa ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home, ngunit wala pa silang inaamin hanggang ngayon.

Ang palagi nilang sagot sa mga tanong ng media ay magkaibigan lamang sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN