Bianca Gonzalez, Atom Araullo, Karen Davila, Mike de Leon condemn violent killings in PH

IMAGE @iamsuperbianca IG / Esquire Magazine / @karendavila IG / Voyage Studios

Bianca Gonzalez, Atom Araullo, Karen Davila, and Mike de Leon cry foul over extrajudicial killings amidst President Rodrigo Duterte's war on drugs.


“Paano na, Pilipinas.”

Ito ang katagang binitawan ni Bianca Gonzalez sa Twitter kaugnay ng karumal-dumal na pagpatay sa 14-anyos na si Reynaldo de Guzman.

Ni-repost din ng Kapamilya TV host ang tweet na ito:

VIOLENT KILLINGS. Ang pagkamatay ni Reynaldo ay inalmahan din ng Bandila anchorwoman na si Karen Davila at Umagang Kay Ganda host na si Atom Araullo.

Pahayag ni Atom:

Ni-repost naman ni Karen ang tweet ni Atom at sinabing:

Nag-post din si Karen ng black-and-white photo ng bangkay ni Reynaldo, na naka-masking tape ang mukha at tadtad ng saksak ang katawan.

Sabi pa ng Bandila anchorwoman, “Let this image haunt you…”

Natagpuan ang bangkay ni Reynaldo, na nagtamo ng 30 stab wounds, sa Gapan, Nueva Ecija, noong September 6.

Si Reynaldo ang kasama ni Carl Arnaiz, 19, nang huli silang namataan sa Cainta, Rizal, noong August 18.

Naunang natagpuan ang labi ni Carl sa Caloocan City noong August 28.

Ayon sa ulat ng pulisya, nabaril si Carl ng arresting police officers dahil sa diumano’y pagtangkang pagnanakaw nito sa isang taxi driver.

Kasalukuyang nakukuwestiyon ang maanomalyang pagpatay kay Carl dahil sa mga hindi nagtutugma-tugmang datos sa pagitan ng pamaraan ng pagpatay sa binata at sa lumalabas sa imbestigasyon tungkol sa pagkatao nito.

MIKE DE LEON ON EJK, MARTIAL LAW. Maging ang batikang film director na si Mike de Leon, na bihirang magparamdam sa publiko, ay naglabas ng makabuluhang mensahe kaugnay ng “extrajudicial killings.” 

Ang extrajudicial killing ay pagtukoy sa pagpatay ng mga awtoridad sa isang sibilyan nang walang due process.

Ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer ngayong Biyernes, September 8, sinabi ni De Leon na ang nararanasang pagsasawalang-bahala sa "rule of law" ngayon—na pinatutunayan ng mga "extrajudicial killings"—ay hindi malayo sa mga karahasan noong martial law.

Ang martial law o batas militar ay idineklara sa Pilipinas ng dating diktador na si Ferdinand Marcos noong Setyembre 21, 1972.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtapos ito noong January 17, 1981, sa pamamagitan ng Proclamation No. 2045 din ni dating Pangulong Marcos, ngunit nanatili ang mga batas at istruktura ng martial law hanggang sa pagpapalayas sa mga Marcos ng People Power Revolution ng 1986.

Pahayag ni De Leon, "Sadly, it seems that incipient dictatorship is again rearing its ugly head."

Dagdag nito: "In this environment, extrajudicial killings continue unabated under the guise of a war against illegal drugs, the Constitution and rule of law are blatantly disregarded, political leaders and even Supreme Court justices are cowed into submission and a professional army of social media trolls viciously attacks online dissent.”

Ang pahayag ng acclaimed film director ay bahagi ng kanyang written speech, na binasa ni Tee Pao Chew ng Asian Archives, para sa unveiling ng restored Filipino film na Batch '81 sa Venice International Film Festival sa Italy, noong September 5.

Ang pelikulang Batch '81, na pinagbidahan ng yumaong aktor na si Mark Gil, ay hinulma ni Mike noong 1982, isang taon matapos ng official lifting ng martial law.

OTHER CELEBS AGAINST ALL-OUT VIOLENCE. Nauna nang kinondena ng aktres na si Agot Isidro ang tungkol sa maanomalyang pagpatay sa binatilyong si Reynaldo de Guzman.

Kasabay nito ay ang pagsagot ni Agot sa isang Twitter user, na maka-Duterte, na nagsabi sa aktres: "sana may ma-rape sa mga mahal mo sa buhay."


Stories We Are Tracking

Agot Isidro calls out 'rape' tweet from basher
Agot Isidro calls out 'rape' tweet from basher

Samantala, ang rapper na si Gloc-9 ay nahingan din ng komento tungkol sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Gloc-9, sang-ayon siya sa pag-aresto sa mga gumagamit ng droga, ngunit hindi sa tahasang pagpatay sa mga ito.

Aniya, “Not literally patayin, pero yung thought ba na makatakot ba."

Tila sang-ayon din ang rapper sa pagpuntirya ng mga awtoridad sa mga gumagamit ng droga.

Pahayag ni Gloc-9, “It’s sad kasi po ang talagang tatamaan ng ganitong approach ay ang mas maliliit. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero for me, it makes sense that you deal with the consumers. 

“Kasi kung walang consumer, walang producer.

“Kapag tinanggal mo ang producer, may papalit pa rin dahil alam nilang kikita sila dun.

“Kung walang pumupunta sa mall, walang magtatayo ng mall.”


Stories We Are Tracking

Gloc-9 comments on drug war of Duterte administration
Gloc-9 comments on drug war of Duterte administration


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN