Loisa Andalio shrugs off bashing from JoshLia fans: "Hindi ako nandito para makipag-away sa lalaki."

IMAGE Noel Orsal

Loisa Andalio calms the fans of the JoshLia love team who have been bashing her. She affirms she herself is witness to the sweetness of Joshua Garcia and Julia Barretto to each other. "Ganun talaga sila. Sanay na ako… happy ako para sa kanila," she assures.


Hindi pa nga ba nakaka-move on si Loisa Andalio sa paghihiwalay nila ni Joshua Garcia bilang magka-love team?

Unang nagtambal ang dalawa sa Kapamilya teleseryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, kung saan nabalitang may espesyal na relasyon umano na nabubuo sa kanila.

Pero pagkatapos ng teleserye, ipinareha si Loisa sa ibang aktor.

Si Joshua naman ay ipinareha at nali-link ngayon kay Julia Barretto. Tinawag na JoshLia ang kanilang tambalan.

Usap-usapan ngayon sa social media ang viral video kung saan kitang-kita raw ang pagka-awkward ni Loisa nang nagkasama silang tatlo nina Julia at Joshua sa ASAP Chillout dalawang linggo na ang nakararaan.

Reaksiyon ng dalaga tungkol dito, “Nagulat ako na nag-viral siya, sa totoo lang.

"Nagulat talaga ako na nag-viral siya.

“Yung love team na yun, yung JoshLia, nakikita ko naman sila off-cam na sweet, ganun talaga sila.

“Sanay na ako sa kanila, hindi naman ako nanibago.

“Siguro naging big deal sa ibang tao kasi dun nila nakita na magkakasama kami.

“Sa akin, wala, wala talaga. Happy ako para sa kanila, hindi ako nao-awkward.

“Sabi nila nagseselos daw ako, hindi talaga, wala akong na-feel na selos o galit."

Diin ni Loisa, "Masaya ako para sa kanila.'

BASHERS. Ayon pa sa young actress, natatawa na lang siya na nabigyan ng kulay ang nasabing video.

“Sabi nila, ‘Oy, nagba-viral yung video!’ Tanong ko, ‘Alin doon?’

“Akala ko nga nung kumakanta, yung pala yung interview.

“Nagbasa talaga ako, mahilig kasi ako magbasa ng comments, hindi ako masyadong sensitive.

“May nabasa ako, sabi nga dun, ‘Ano ba ‘yan si Loisa, nag-mic pa di naman ginamit.’

“Nagsasalita ako, hindi lang ako nakita, gawa na yung camera naka-focus lang sa kanila.

“Hindi nila nakikita kung sino ang nagtatanong, nagtatanong ako sa kanila.”

May pamba-bash na nga raw siyang tinatanggap mula sa JoshLia fans, pero ipinagkikibit-balikat na lamang niya.
   
“Parang may nagpi-picture sa taping, pinipiktyuran kami, sabi nila, ‘JoshLia lang, JoshLia lang.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, okey, yun lang… hindi ako nandito para makipag-away sa lalaki.”

Na-interview si Loisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa ASAP, noong nakaraang Linggo, September 3.

HAPPY FOR JOSHUA. Sa pagbabalik-tanaw ni Loisa, nilinaw niya ang samahan nila ni Joshua simula nang nagkasama sila sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother.

Aniya, “Talagang naging matalik kaming magkaibigan ni Joshua… sobrang close namin sa PBB.

“Nung Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, nakikita ng mga tao, sobrang close namin.

“Nag-Be My Lady ako, ni-love team ako sa iba agad.

"Wala naman akong nakikitang masama dun dahil blessings lahat ng dumarating sa akin.

“Sadyang nagkaroon lang kami ng iba’t ibang landas. Siya nagka-The Greatest Love, iba-iba ang trabaho namin.”

Diin pa ni Loisa, “Yung closure-closure, walang ganun, hindi naman naging kami… wala kaming closure-closure na ganyan.”
 
Ayon pa sa kanya, “Sobrang move on na ako sa love team namin ni Joshua, happy ako sa aming dalawa.

“Masaya ako sa nangyayari sa career niya, and masaya ako sa nangyayari sa career ko.

“Siya, parang focus siya sa love team, ako naman solo akong pumopokus sa sarili ko.

“Iba pa rin ang may love team kasi kadalasan sa edaran ng KathNiel, LizQuen, ganitong edad talaga nabubuo yung love team.”

REUNION PROJECT. Samantala, kumpirmadong magsasamang muli sila Loisa at Joshua sa teleseryeng The Good Son.

Hindi pa raw masabi ng aktes kung magkapareha sila dito.

“Hindi ko pa puwedeng sabihin, basta ako, ginagawa ko nang maganda ang trabaho ko.

“Oo, nagkakaesksena kami ni Joshua, walang ilangan, trabaho lang lahat sa akin.    

“Game naman ako, pero siyempre, sa management ‘yan.

"Basta ako, gusto ko lang magtrabaho nang maayos, tahimik lang.”


Stories We Are Tracking

Joshua Garcia denies awkwardness with Loisa Andalio
Joshua Garcia denies awkwardness with Loisa Andalio
Loisa Andalio denies being jealous of Julia Barretto
Loisa Andalio denies being jealous of Julia Barretto
Loisa Andalio admits Joshua Garcia was special to her once
Loisa Andalio admits Joshua Garcia was special to her once


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN