Dingdong Dantes reacts to 'nagpaplantsa' photos that went viral

IMAGE @dongdantes on Instagram

Dingdong Dantes is back to work after spending memorable moments in Paris with his family. He's tackling three projects simultaneously, how does he manage? "Akala yata nila twenty-year-old ako, e," he jokes, then adds, "Siyempre, gagawin mo ang lahat para sa pamilya mo."


Kahit ilang araw lang sa siyudad ng Paris sa France sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, naging espesyal pa rin daw ito lalo’t kasama nila ang kanilang anak na si Maria Letizia Dantes.

Naroon sila para sa kasal nina Hayden Kho Jr. at Vicki Belo.
 
“Malaking bagay rin yun, kahit papaano, may three days kaming magkakasama,” saad ni Dingdong.

“Ang pasyal naman sa amin basta makapaglakad lang, wala nang shopping-shopping.

“Yung lakad lang talaga, yung pupuwedeng maghabulan, okey na sa amin  yun.”

Natawa nga si Dingdong na nag-viral ang pinost ni Marian sa Instagram kunsaan pinaplantsa niya ang damit ng asawa habang nasa Paris sila.
 
“Wala, e, nahuli, ewan ko dun—nalaman ko na-post na,” sabi niya.
 
“Ganun talaga kapag nagtutulungan kayo. Siya sa baby, ako sa gawain. 
 
“Sana hindi ko nasira ang damit niya, kasi alam ko paborito niya yun. 

“Nagkataon din kasi na pinaplantsa ko ang suit ko para sa kasal dahil siyempre nagusot sa maleta.
 
“Alangan namang siya pa ang gumawa nun, e, may baby na ngang inaalagaan.”
 
Marami rin ang natuwa sa litrato na makikitang bitbit ni Dingdong ang baby bag ni Zia.
 
Sambit niya, “E, siyempre, kung kinakailangang pati school bag bubuhatin ko.”  
 
CHARMING ZIA. Sa ginanap na kasalan nina Doc Hayden at Dra. Vicki, inabangan ng netizens ang "first walk" ni Zia bilang flower girl.
 
Kuwento ni Dingdong, “She’s very friendly, kinakawayan niya ang lahat ng tao.

“Ina-appreciate niya ang lahat ng tao, mukhang na-enjoy niya ang event na yun.”
 
Sabi pa ng proud dad, kahit na wala pang dalawang taon ang anak, naglakad itong mag-isa bilang flower girl.
 
“Maayos naman kasi ang practice namin, so ako ang nasa dulo, 'tapos siya [Marian] ang magpapakawala.

Nangyari ang interview na ito kay Dingdong habang namamahinga sa taping ng Alyas Robin Hood sa Toro, Quezon City, noong September 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRAISES FOR SOLENN. Samantala, puring-puri si Dingdong sa bago niyang leading lady sa Alyas Robin Hood na si Solenn Heusaff.

Lahad niya, “Grabe ang galing niya, sobrang galing…very natural, very raw. 

“So very refreshing na makakita ng ganung klaseng performance.
 
“Nakasama ko lang siya noon sa Spooky Nights, pero bago pa lang siya.

“Pero yung ganito ka-intensive, mas pang-matagalan, magaling."

Ginagampanan ni Solenn ang karakter ni Iris Lizeralde na isang high-society "It" girl.

Sa pagpapatuloy ni Dingdong, “Bilang ganun kahusay ang co-actor mo, marami kang puwedeng puntahan. 

“Yun kasi ang nakita ko sa kanya, she’s willing to explore. 
 
“Matapang yung character niya, parang pasaway, may pagka-brat.

“Ang sarap laruin nun and willing na willing siyang gawin, so swak na swak.”

Nasabi rin ni Dingdong na kagagaling lang niya sa shooting sa Batangas ng pelikula niyang Seven Sundays ng Star Cinema.

Kasama niya rito sina Aga Muhlach, Enrique Gil, at Cristine Reyes.

Tinatapos rin niya ang pelikula nila ni Anne Curtis na Sid and Aya.

Paano niya napagsasabay ang tatlong projects?

“Deds! Malapit nang ma-deds,” pakli ni Dingdong. “Akala yata nila twenty-year-old ako, e.”

Motivated naman daw ang 37-year-old actor, “Siyempre, gagawin mo ang lahat para sa pamilya mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN