Ai-Ai delas Alas fulfills yearly vow as Marian devotee

IMAGE Jojo Gabinete

Ai-Ai delas Alas celebrated the birthday of the Blessed Mother Virgin Mary yesterday, September 8, via a mass and intimate gathering with friends and family. She recalled the small miracles that she attributes to her steadfast devotion to the Blessed Mother.


Tulad ng naging panata niya, nagpamisa at nagpa-party si Ai-Ai delas Alas para sa kaarawan ng Blessed Mother Virgin Mary kahapon, September 8.

Ginanap ang misa at salu-salo sa clubhouse ng village kunsaan ipinapatayo ang bagong bahay ng Comedy Queen.

“Marian devotee ako.

“Ang daming mga intercession ni Mama Mary sa akin na mga hinihingi ko na ibinibigay ng Diyos.

“Kaya thanksgiving ito sa lahat ng mga blessings na natatanggap ko mula kay God sa pamamagitan ng Mahal na Ina.

“Bata pa ako, devotee na ako ng Mother of Perpetual Help sa Baclaran.

“Noong may problema ako, nasa Manaoag Church ako, yung kay ano ‘to... sa ex-husband ko.

“Sabi ko, 'Mama Mary, huwag naman. Ang sakit-sakit naman ng nangyari sa buhay ko.'

“Wala akong mapagsabihan kasi hindi naman ako close sa adoptive mother ko.

“Ipinaampon ako ng biological mother ko, so feeling ko, kulang ako sa pagmamahal ng nanay.

“Takot ako sa adoptive mother ko, so kay Mama Mary ko naibubuhos ang mga problema ko.

“Sabi ko, 'Mama Mary, ang sakit-sakit.'

“'Hindi ko alam kung paano mo gagawin pero kung naririnig mo ako, yakapin mo naman ako para meron naman ako karamay.'

“Iyak ako nang iyak tapos nangumunyon ako, niyakap ako ng pari.

“Hindi ko naman kilala yung pari. Sabi niya, ‘I love you Ai.’

“Kinilabutan ako. Hindi ko naman kilala yung pari sa Manaoag.

“Tapos, hinimas niya ang likod ko. Diyos ko!” kuwento ni Ai-Ai tungkol sa pangyayari na itinuturing niya na isa sa mga himala sa kanya ng Blessed Mother Virgin Mary.

SECOND INCIDENT. Binanggit din ni Ai-Ai ang isa pang insidente na naganap din sa Manaoag Church sa ibang pagkakataon nang magsimba siya nang gabi.

“Hindi ko alam na nagsasara ang Manaoag Church.

“Mga 8 or 9 pm ‘yon. Sabi ko, maglalakad na lang ako at sa harap na lang ako ng gate magdarasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Habang naglalakad ako, may kasabay ako na lalake.

“Natakot ako. Sabi ko, 'Diyos ko, bakit parang sumasabay siya sa akin?' kaya umurong ako nang konti.

“Mabagal siya maglakad, tinitingnan niya ako. Tapos, huminto siya sa gate.

“Sabi niya, ‘Halika ka, pasok ka. Ako ang pari dito.’

“Mag-isa lang ako sa loob ng simbahan na nagdarasal kasi binuksan ng pari.

“E, ang ine-expect ko, magdarasal na lang ako sa labas dahil sarado na nga ang Manaoag Church,” pagbabalik-tanaw ni Ai-Ai na lalong lumakas ang debosyon sa Blessed Mother dahil sa mga karanasan niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN