Roxanne Barcelo reveals differences between Pinoy and foreigner boyfriends

IMAGE Instagram @roxannebarcelo

Roxanne Barcelo on differences between Pinoy guys and foreigners: "Ang difference para sa akin is values. Magkaiba talaga, magkaiba yung pananaw nila. Para sa Pinoy, issue ang past. Gusto nila alam nila lahat. E, ang Afam, deadma! Ke may anak ka, hindi ka idya-judge."


Apat na taon na ang relasyon nina Roxanne Barcelo at Will Devaughn.

Sa isang panayam ay nabanggit ni Will na sa 2018 niya balak mag-propose kay Roxanne.

Pero paano kung biglain siya ni Will at alukin na siya nito ng kasal this year?

Papayag ba si Roxanne?

Lahad niya, “Sige, ganito... siguro, para sa akin hindi basehan ang matagal na kayo, di ba?

“Kumbaga, for me, parang let’s cross the bridge when we get there, gamitan na natin ng ganun.

“Kasi para sa akin, ang hirap mag-expect, ang hirap din na magsalita, kasi babae ako, e.

“Parang pagka nagsabi ako, ‘Ay, o-oo ako,’ tapos hindi naman mangyayari.

“Chaka, di ba?

“Parang for me, no expectations.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Roxanne sa Victorino’s restaurant sa Quezon City noong August 25 sa presscon ng pelikula nila ni Will na I Found My Heart in Sta. Fe.

CULTURAL DIFFERENCES. Tinanong naman namin si Roxanne kung ano ang pagkakaiba ng boyfriend na Pinoy sa boyfriend na foreigner?

Pagkumpara niya, “Ang hirap, kasi si Will is not the typical foreign boyfriend.

“Nung una iniisip ko, di ba ang mga foreigners baka may temper, ganun?

“Iba-iba, e. Depende sa lahi.

“Pag Pinoy, Mama’s boy ang sinasabi.

“Ano ba yung mga usual kuda nila kapg sobrang attached sa pamilya?

“Ako naman I love that about Filipinos, Filipino guys.

“Bet ko yun, bet ko na malapit sila sa pamilya nila.

“Si Will, on the other hand, malapit din siya sa nanay niya, sobra!

“Bunso siya, e. So malapit talaga siya.

“Ang difference para sa akin is values. Magkaiba talaga, magkaiba yung pananaw nila.

“Para sa Pinoy, issue ang past. Gusto nila alam nila lahat.

“E, ang Afam, deadma! Ke may anak ka, hindi ka idya-judge.

“So parang, dito kasi parang pag may anak ka na, maraming kuda!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E mahalaga yun, to move forward.

“Pagka masyado mong iniintindi yung past, lalo na sa babae, na kunwari ako, hindi naman ako sixteen, di ba?

“Parang, nagsugal na rin ako sa pag-ibig, ilang beses.

“So parang I cannot say na parang kumbaga my experiences made me stronger and it made realize kung paano ako magmahal.

“Bongga akong magmahal kasi alam ko, kaya ko.

“So parang… this is me.

“E, si Will, wala siyang kahit isang tanong tungkol sa past.

“Kung meron man, walang isyu.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN