Kris Bernal admits crush on Rafael Rosell

IMAGE Bernie Franco

Kris Bernal on Impostora co-star Rafael Rosell: "Pero crush ko talaga si Rafael. Crush ko lang! As in dati pa, hindi naman super crush, pero naguguwapuhan ako sa kanya. Kamukha niya kasi si..."


Natawa si Kris Bernal at itinangging parang totoong-totoo ang love scene nila ni Rafael Rosell.

Ayon kasi sa mismong director nila na si Albert Langitan, napaniwala raw siya mismo nina Kris at Rafael sa love scene ng dalawa.

Pero yun din ang love scene na naipatawag ng MTRCB ang production ng Impostora at nagkaroon sila ng pag-uusap.

Read: MTRCB summons Impostora for Kris Bernal-Rafael Rosell love scenes

Naayos din naman daw agad ang tungkol sa pangyayaring ito.

Sabi naman ni Kris tungkol sa love scene nila ni Rafael, “Uy, walang katotohanan yun ha?

“Pero crush ko talaga si Rafael.”

“Crush ko lang!

“As in dati pa, hindi naman super crush, pero naguguwapuhan ako sa kanya.”

“Kamukha niya kasi si...” natatawang sabi pa ni Kris na hindi masabi nang diretso kung sino ang tinutukoy niyang kamukha ni Rafael.

Kami na ang nagbanggit at nagtanong kung ang tinutukoy niya ay ang ex-boyfriend niyang si Carl Guevara.

“Medyo, sa mata!” pag-amin din niya sabay sabi ng, “Hindi, joke lang.”

Kaya naman pala nabanggit ng director nila na parang napaniwala itong totoo na ang love scene nila.

Paglinaw niya, “Wala namang katotohanan, pero may halong kilig lang.

“Pero siyempre, may girlfriend si Rafael ha?”

HAPPILY IN LOVE. Kung may girlfriend si Rafael, may balita naman kaming may non-showbiz raw na boyfriend si Kris.

Pero natatawang sabi niya, “Ano ba, hindi naman makakatulong sa show ‘yan.”

In-love nga ba siya ngayon?

“Happy ako. Happy ako ngayon.

“Happy heart,” nakangiting pag-amin niya.

May anim na buwan na rin daw na masasabi ni Kris na masaya ang puso niya.

At non-showbiz guy nga raw ito.

Sabi pa niya, “Kasi twenty-eight na ko. Parang feel ko na seryosohan na.

“Parang seryosohan na talaga. Kung sino ang ngayon, yun na ang forever.

“Naniniwala ako sa forever.”

Ngayon din daw, nakikita na rin niya ang sarili niya kung sakali at dumating na siya sa puntong ikakasal, magkakaroon ng sariling pamilya at mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Estima niya, “Nakikita ko na ang sarili ko, pero twenty-eight ako ngayon.

“Siguro mga thirty-four, mga ganun.

“Pero siyempre yung relationship dapat matagal, di ba?”

CATCHING UP WITH ALJUR. Nabanggit din ni Kris na kamakailan lang, nagkita raw sila ng dati niyang ka-loveteam na si Aljur Abrenica sa gym at nakapag-kuwentuhan.

Posible kayang kunin ni Aljur para maging ninang ng anak nito at ni Kylie Padilla?

Pagklaro niya, “Wala, hindi namin napag-usapan.

“Napag-usapan lang namin ang tungkol sa career.

“Nagkataon na nagkasabay kami sa gym.

“Mga 2:00 a.m. yun, ha? Madaling-araw.

“Nagkuwento lang siya tungkol sa career niya. Hindi naman namin napag-usapan yun.”

At natatawang pahabol niya, “Parang hindi naman niya ko gustong maging ninang.”

HARDEST ROLE SO FAR. Kinumusta naman namin kay Kris ang kanyang dual role bilang Nimfa at Rosette sa afternoon prime teleserye niyang Impostora.

Ayon sa aktres, ito na raw yata ang pinakamahirap na papel na ginampanan niya.

Pag-amin niya, “Feel ko ito.

“Kasi yung Little Nanay, wala namang masyadong lines, di ba?

“Kasi hindi naman siya masyadong nakakaintindi, di ba?

“Medyo slow siya. May intellectual disability.

“Kung nasanay ka na sa mannerisms ng character ni Little Nanay, paulit-ulit na lang unlike rito na ang daming kinakabisado.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN